Posts

Showing posts from 2018

Psst! Bagong parusa dinagdag ng Japan Immigration Bureau

Hi, share ko lang ang nabasa ko ๐Ÿ”– Simula January 1, 2017 pinatupad ang Amended Immigration Control Act. Noong araw, walang kaparusahan pinapataw ang immigration sa huwad na  impormasyon na binibigay o sinusulat ng aplikante sa pagaapply ng residence visa. Mula ngayon, sakop na ng mahigpitan imbistigasyon ang mga impormasyon na ibibigay at isusulat sa pag-aapply ng residence visa.  Ang agency, abogado, administrative scrivener, opisyal ng paaralan at iba pang  tumulong sa pagproseso ng residence visa application tulad ng working visa, student visa, spouse visa, permanent residence ay lilitisin at papatungan ng parusa kapag nakita na may kasinungalingan ang mga impormasyon na ipinasa, ayon sa Amended Immigration Act Law. Ang batas na ito ang ikalawang pinakamalaking pagbabago sa Bansang Japan. Layunin ng Bagong Immigration Control Act: 1. Mapalaganap ang strategy: "Japan, Pinakaligtas na Bansa sa Buong Daigdig". 2. Hulihin ang mga sangkot sa peke na kasal...

Nag-diborsiyo o na-balo sa asawang Hapon

Image
Hi ⚘๐ŸŽ•⚘ Kaunting kaalaman lang para satin Filipino kung sakaling nag-diborsiyo o na-balo sa asawang Hapon at kung ang hawak na visa ay haigusha visa (spouse) ☝️ 『 Case Study: Ikaw ay Filipino na kasal sa Hapon/haponesa. Ang hawak mong visa ngayon ay Spouse of Japanese National. Ikaw ay nakipag-diborsiyo sa iyong asawang hapon. O kaya ang iyong asawang hapon ay namatay. Pero gusto mo pa din magpatuloy manirahan sa Japan. 』 Bago ang lahat, sa loob ng 14 days pagka-diborsiyo o pagkamatay ng iyong asawang hapon, pumunta agad sa Immigration Bureau at magpasa ng papel na "Haigusha ni Kansuru Todoke". Tiyakin na maipasa ang papel na yan sa nasabing  palugit dahil paglipas ng palugit ay expire na ang benepisyo mong magpatuloy manirahan sa Japan. Copy and paste↓ at i- download ang form o humingi sa immigration. http://www.moj.go.jp/content/000099572.pdf ※ito ay sample na larawan lamang Pagkatapos ma-diborsiyo o ma-balo sa Hapon: > Kung hindi ka mag...

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal

Kung nagpakasal ang isang tao habang meron siyang unang kasal na may bisa pa,  pwede siyang kasuhan ng BIGAMY.  Ang bigaymy ay isang criminal offense kung saan pinaparusahan ang pagpapakasal ng ikalawang beses na hindi napapawalang bisa ang unang kasal sa isang annulment case.  Ito ay nakasaad sa Article 349 ng Revised Penal Code: "the penalty of prison mayor (from six years and one day to twelve years) shall be imposed upon any person who shall contract a second or subsequent marriage before the former marriage has been legally dissolved, or before the former marriage has been legally dissolved, or before the absent spouse has been declared presumptively dead by means of a judgment rendered in the proper proceedings." Ito ay isang public crime kung saan ang gobierno either through NSO o iba pang ahensya ng gobierno ang nagsasampa ng kaso kahit hindi magsampa ng kaso ang una o ikalawang asawa o kahit wala silang kooperasyon o prima sa complaint.  Pina...

Ikaw ba ay inampon o nag-ampon?

Hi, share ko lang ang nabasa ko tungkol sa pagaampon sa Pilipinas ๐Ÿ‘ถ๐Ÿ‘ถ "ampon ko sya. pinalagay namin sa birth certificate nya na kami ang magulang" Halos lahat daw ng pag-aampon (domestic adoption) sa Pilipinas ay impormal. Ang tawag sa impormal na pag-aampon ay  "Simulation of Birth". At ang birth certificate ay "Simulated Birth Certificate". Illegal ang Simulation of Birth at may parusa ayon sa batas: "Simulation of birth is punishable under Article 347 of the Revised Penal Code and Section 21(b) of the Domestic Adoption Act." "SIMULATED BIRTH CERTIFICATE meaning, the tampering of the civil registry making it appear in the birth records that a certain child was born to a person who is not his/her biological mother, causing such child to lose his/her true identity and status." "Any person who shall cause the fictitious registration of the birth of a child under the name(s) of a person(s) who is not his/her biologi...

Pagpaparehistro ng Diborsyo sa Pilipinas

Hi, share ko lang ang nabasa ko ๐Ÿ˜‡ REQUIREMENTS FOR REGISTRATION OF FOREIGN DIVORCE Mga kinakailangan sa pagpaparehistro ng Diborsyo:  1. Certified true copy of Divorce Decree (Tunay na kopya ng Disisyon ng Diborsyo)  Duly authenticated by Philippine Consulate (abroad) and Department of Foreign Affairs (DFA, Pasay City). Disisyon ng Disborsyo na m ay tatak ng Konsulado ng Pilipinas at DFA, Pasay City    2. For Divorce in Japan   ( para sa Diborsyo sa Japan)  Certificate of Divorce issued by Japan Embassy with Authentication from DFA – Red Ribbon (Pasay City). Katunayan ng Diborsyo galing Embahada ng Japan na ma y tatak ng DFA, Pasay City at naka-red Ribbon   3. Attach photocopy of PSA Marriage Contract (Ikabit ang Kasamiento ng Kasal)   4. Execute Affidavit of Late Filing (kapag hindi agad nakapagpasa) If the Judgement issued exceeds more than 6 months after its judgement. Kung lumampas na ng 6 na buwan ang Des...

Payo ng Buhay

Image
๐ŸŽ• Ngayon ang araw na matututunan mo ang sekreto ng buhay ๐ŸŽ• Ngayon ang araw upang simulan gumawa ng masaya at kapakipakinabang na buhay. Ano ang pakiramdam mo ngayon? Masama ba ang loob mo? Ano ang kasalukuyan mong damdamin? Ano ang biglang pumasok sa isipan mo? Sabi ng iba, ang buhay ay puno ng kalungkutan. Pero hindi buhay ang puno ng kalungkutan, kundi ang iyong isipan. Huwag sayanggin ang oras sa pagreklamo ng iyong limitasyon, ng iyong mapait na relasyon, ng iyong problema, sakit, kahirapan, at iba pa. Habang binibigkas mo palagi ang iyong problema, mas lalo itong kumakapit sa iyo. Huwag manisi ang ibang tao tungkol sa iyong problema. Ito din ay isang pagsasayang ng oras.  ๐ŸŒน Salamat po sa pagbasa.

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Hi.  ๐Ÿ˜‡ Naisip ko lang, gaano kaya karaming tao ang marunong magsalita ng wikang Filipino (Tagalog). Ano nga ba ang pagkakaiba ng Filipino at Tagalog. Sa simpleng explanasyon... Noong 1937, upang maging isa ang buong Pilipinas sa wika at diwa, gumawa ng Pambansang Wika ang gobierno. At Tagalog ang napiling Pambansang Wika na tinawag na PILIPINO. Pilipino = Tagalog Tagalog ang  native  language  sa dakong South ng Pilipinas,  At naging  second language sa lahat ng isla sa Pilipinas.  Noong 1987, naging FILIPINO ang Pilipino. FILIPINO na ang tawag sa Pambansang Wika. Ang pagkakaiba, nadagdagan ang alpabeto ng abakadang Pilipino. Naging moderno.    Gaano kadami ang marunong mag-Filipino (Tagalog)? Ayon sa survey,  24.2 milyon  katao ang nagsasalita ng Filipino bilang native language,   mother tongue   o   first language . At  65 milyon  katao ang nagsasalita bilan...

ใƒ™ใƒ†ใ‚ฃใซไผšใ„ใŸใ„ ✧♡

Image
ๆˆ‘ใŒๆ„›ใ‚‰ใ—ใ„ๆ„›็Šฌใงใ™。 Bettyใจใ„ใ„ใพใ™。 ้‡Œ่ฆชๆŽขใ—ใฎใ‚คใƒ™ใƒณใƒˆใงๅ‡บไผšใฃใฆ、 ใฒใจใ‚ใผใ‚Œใ—、ๆŠฝ้ธใ‚’ๅฝ“ใŸใฃใฆ、 ๅฌ‰ใ—ใใฆใปใฃใบใŸใŒ่ฝใกใŸ。 15ๅนด้–“, ๆˆ‘ใŒๅฎถใซ、 ใƒใƒƒใƒ”ใƒผใƒใ‚นใ‚’ไธŽใˆใฆใใ‚ŒใŸใฒใณใ‚’、 ๅฟ˜ใ‚Œใชใ„。 ็งใฏๆ—ฅๆœฌใซๆฅใฆ、ใ‚ใชใŸใฏๅˆใ‚ใฆใฎๆ„›็Šฌใ ใ‚ˆ。ไปŠใ‚‚ไป–ใฎ็Šฌใ‚’้ฃผใฃใฆใ„ใชใ„ใ‚ˆ。 ๅฏ‚ใ—ใ„ๆ™‚、ๅฌ‰ใ—ใ„ๆ™‚、ใ‚ใชใŸใฏใ„ใคใ‚‚ใใฐใซใ„ใ‚‹ใ‚ˆใญ。 ใ‚ใชใŸใฎใใฎ็›ฎใซๆ„›ๆƒ…ใฏใ„ใฃใฑใ„ๆ„Ÿใ˜ใŸใ‚ˆ。 ใ•ใฟใ—ใ„ใ‚ˆ。ใ‚ใ„ใŸใ„ใ‚ˆ。๐Ÿ˜ญ ๆŽƒ้™คใฎๆ™‚ใงใ‚‚、็งใฎใใฐใซใ„ใ‚‹ใ‚ˆใญ。

Japan ang pinakamaraming Jinzai Haken Gaisha sa buong Mundo

Image
Nasubukan mo na magregister at magtrabaho sa Jinzaihakengaisha?  Alamin natin ang ibig sabihin ng " Jinzai Haken Gaisha ". Jinzai =human resource (tao) Haken =temporary employment   (trabaho) Gaisha/Kaisha =company (kumpanya) Jinzaihaken = temporary staff (pansamantalang tauhan) Jinzaihakengaisha= temporary staffing company or agency Sa makabagong salita, "Outsourcing" company Kadalasan "Hakengaisha o Haken" ang shortcut na tawag.  Sa kasalukuyan panahon, maraming Hakengaisha sa Japan. At ayon sa survey, Japan ang may pinakamaraming Hakengaisha sa buong mundo, mas marami pa kaysa sa USA. Jinzaihakengaisha ......  Japan ...vs... America Bilang ng Kumpanya...................... 66,690 ................. 13,910 Sangay/branches .........................   82,658 ................. 32,932 Hakengaisha#of staffs.................. 185,000 ............... 191,592 (Chart 1) Maraming japanese (banyaga din) ang nagtatrabaho sa Hakengaisha. ...

Kaugalian sa Japan kapag dadalo ng Kasal

Image
Kasal ng Hapon OIWAIKIN, regalo na pera (ใŠ็ฅใ„้‡‘) Ayon sa kaugalian sa Japan, ang pagbibigay ng regalo na pera, "oiwaikin" ang tawag, sa Kasal ay ipinapadala pagkatanggap ng imbitasyon. Subalit dahil nagbabago na ang style ng Kasal at wedding party(hirouen) sa kasalukuyan panahon, ang pagbibigay ng o-iwai-kin ay inaayon sa situasyon. Shugibukuro ๅพก็ฅ Halaga ng Oiwaikin  Ayon sa karamihan, ang pinakamababang oiwaikin ay 20,000 yen. Nagbabago ang halaga ng oiwaikin depende sa relasyon ng bisita sa ikakasal. Inilalagay ang oiwaikin sa sobre na ang tawag ay "shugibukuro". Para sa mga hapon, may ibig sabihin ang mga numero. Kapag Kasal, ang oiwaikin ay binabase sa odd numbers tulad ng 1, 3, 5, 7 para daw hindi mag-breakup o maghiwalay. Pero kahit even numbers na 2, 8, 10, 12 ay pwede naman, yon nga lang ay iniiwasan ng karamihan. Mas bawal ang numbero na 4 at 9 dahil ang "4" ay nagpapahiwatig ng kamatayan (shi, ๆญป) at ang "9" ay napapahiwa...

Mga Uri ng Japanese Naturalization

Ano sa nihongo ang Japanese Naturalization? "Kika (ๅธฐๅŒ–)" po. Marami-rami na din pilipino, na may stable na pamumuhay dito sa Japan, ang nagpa-Japanese Naturalization. Sino-sinong pilipino ang nagpapa-Japanese Naturalization? ・Andiyan ang mga kasal sa japanese na may mga anak na japanese citizen. ・Andiyan ang half filipino na hindi agad nai-register ang kanilang kapanganakan sa Family Registry (Kosekitohon) ng ama o ina na japanese. ・Andiyan ang third generation japanese (sanze), ang lola o lolo ay nihonjin. ・Andiyan ang mga filipino migrant workers na nakapag-pundar na ng maunlad na kabuhayan dito sa Japan. (case by case) Alam kong marami pa din filipino ang interesado magpa-japanese naturalization. May nababasa ako na nagsasabi na mas madali pa ang magpa-naturalization kaysa magpa-permanent resident. Kanya-kanyang haka-haka po yan. Kung aktual na gagawin, pareho mabusisi sa papeles, oras at pera. Pero kung hindi susubukan, hindi makakamit ang layunin. Ano ang mang...

Mga Henerasyon ng mga ipinanganak at lumaki sa Japan

Image
Naiitanong ko lang kung saan ako kabilang na henerasyon sa komunidad ng Japan ๐Ÿ˜ Henerasyon: Showa hitoketa sedai ( Showa 1 digit ) Kapanganakan: 1927-1934    Edad Ngayon: 83-90 years old Takbo ng Kapanahunan: Krisis ng Ekonomiya sa Buong Mundo (World Depression/Sekai kyoko) Henerasyon:  Yakeato sedai (i sinilang noong gera)   Kapanganakan: 1935-1946   Edad Ngayon: 71-82 years old. Takbo ng Kapanahunan:   Katapusan ng Digmaan Pangdaigdig (End of WWII/Dainiji sekai taisen shusen) Henerasyon:  Zenkyoto sedai  (nag-rally ang mga estudyante) Kapanganakan: 1941-1949 Edad ngayon: 68-76 years old. Takbo ng Kapanahunan: Panglipunang Protesta laban sa US-Japan Security Treaty (Zenkyoto undo, Anpo toso) Henerasyon:  Dankai no sedai (unang grupo ng b aby boomers) Kapanganakan: 1947-1949 Edad ngayon: 68-70 years old. Takbo ng Kapanahunan: Unang Baby Boomer (Daiichiji Bebi bumu). Madaming ipinanganak. Henerasy...

Lumiliit na Working Age Population ng Japan

Japan, mabilis na dumadami ang matatanda kaysa sa working age population  A ng working age population (seisan nenrei jinko) ay ang bilang ng aktibong manggagawa na mga hapones.  Ang edad ng working age population ng Japan ay mula 15~64 years old.  Noong 2015 survey, bumaba sa 77.28 milyon ang bilang nila. Upang mapanatili at mapadami sa 100 Milyon ang working age population, nagsagawa ng reporma ang gobierno sa sistema ng pagtatrabaho at pag-employ ng manggagawa na tinawag na "Hatarakikata Kaikaku". Dahil sa kakulangan ng manggagawa, malaking porsiento ng working age population ang nakiki-parte sa mahabang oras ng overtime. Madami ang nagkakasakit sa puso, utak, pagiisip at iba pa dahil sa mahabang oras ng overtime at hindi magandang condition ng trabajo na natutuloy sa pagpapatiwakal at pagkamatay ng manggagawa. Ayon sa survey, ang trabajo sa delivery at transport services, ang nagkakasakit sa puso at utak ay 34~38%. Ang trabajo sa Factory (18%), Hospital & We...

My japanese small fishes Medaka

Image
Hello, Konnichiwa, Magandang araw po. Mainit ang sikat ng araw kaya naisip kong trabajuhin ang fish pond. Inalis ko ang mga natuyong halaman sa loob. Mainit sa tanghali, pero malamig pa din pagka gabi. Sa awa ng Diyos, naka-survive ng winter season ang mga medaka. Bago-bago pa lang ako nag-aalaga ng mga isdang ito kaya pinag-aaralan ko pa kung papaano sila dadami at mabubuhay. Yong nasa loob ng tubig na water plant ay naka-survive naman ng lamig. Binanlawan ko sila para matangal ang lumot na nakadikit. Nung naalis na ang mga natuyong waterplants sa ibabaw, masayang lumangoy sa ibabaw ang mga isda, minsan ay tumatalon pa. Para bang nag-exercise mula sa matagal na pagkakulob sa ilalim ng mga halaman.  

Mountain, zigzag road and waterfall sightseeing

Image
Hello, Konnichiwa! Magandang araw po๐Ÿ˜Š Hubby loves to drive on the mountains, on zigzag roads. it makes me dizzy at oftentimes๐Ÿ’ซ Here at Shirakawago White Road, the view is wonderful,  feels I can touch the clouds. But when the cliff is on my side of the car,  i can't help but close my eyes and pray... "Kamisama help!"๐Ÿคฃ But I love coming back for more. Every visit is a nice experience. http://hs-whiteroad.jp/en/ Do you love driving on zigzag road too?

Water mill... Suisha in Japan

Image
Hello, Konnichiwa! Magandang Araw po๐Ÿ˜Š I think this is the biggest watermill I've seen in Japan. It is made of wood.  I can feel the cool mist of water over my head...it fantastic! There are fresh vegetables, fruits, and other items for sale at the shop. There is a small shop to dine japanese cuisine.  It has big parking area and clean toilets to accomodate tourists. There is a hanging bridge, its thrilling to cross towards the adjacent museum. There is a japanese deer resting over the nearby mountain.  Go at the rooftop of the museum, if you are lucky, you'll see it.  I was lucky๐Ÿ˜.  Go find the Bell of Love๐Ÿ””๐Ÿ•ญ ring it! http://obachanichi.jp/ Are you fond of exploring interesting places in the mountainside? Pasyal po kayo dito๐Ÿ‘‹๐Ÿ‘‹

Small fish for Pet, Medaka of Japan

Image
Hello, Konnichiwa, Maagandang araw po! Do you love small fish? Japan have beautiful small fishes that do not need much attention to pet. Wow, I like that! They are called Medaka๐ŸŸ๐Ÿ  They can be found on ricefields, lakes and rivers. But difficult to catch because they are too small and too fast. Some Michi no Eki shops sell inexpensive medaka in bottles. But breeders sells them at a bit higher price depending on the type of medaka. Since I am just a beginner, I cannot enumerate the different types of medaka.  But I learned that there are plenty of types of medaka. Interesado ka ba mag-alaga ng medaka?

Pet shop in Japan

Image
Yeah! How cute white shiba-ken puppy is!๐Ÿ• It has been almost 7 years since my pet dog died.  Our dog's name is Betty, a mix akita-ken breed, white too. She lived for 15 years.  We adopted her from a pet adoption center when she was around 1 year old. She died while I was out of the country.  When I left home, she was normally genki.  I cried so much when I heard over the skype that Betty was dying. And I can't even go home immediately to be at her side. If only I knew that she was not feeling well, I would have not left her. When i get back home, she was gone... cremated. I burst in tears the night I arrived where hubby took me to the place where betty was cremated๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ฟ... no ash to see... only pain of sorrow in my heart. I know betty don't want to see me cry,  that's why she choose her death while I'm away. I really love her and miss her up to now. ๐Ÿถ Do you have a pet that died while you are away from home? How long...

Converting Japan Driver License to Philippine license ๆ—ฅๆœฌๅ…่จฑ่จผใฏใƒ•ใ‚ฃใƒชใƒ”ใƒณๅ…่จฑใธๅˆ‡ๆ›ฟ

Image
ใƒ•ใ‚ฃใƒชใƒ”ใƒณใƒŽใƒณใƒ—ใƒญ้‹่ปขๅ…่จฑ่จผ ใƒŽใƒณใƒ—ใƒญ、้‹่ปขใฏๆœฌ่ทใงใฏใชใ„ใ“ใจๆ„ๅ‘ณใ—ใฆใ‚‹。 I convert my Japan driver's license to Philippine's First: ๅœจใƒ•ใ‚ฃใƒชใƒ”ใƒณๆ—ฅๆœฌๅคงไฝฟ้คจใธ่กŒใฃใฆๆ—ฅๆœฌๅ…่จฑ่จผใฎ่‹ฑ่ชž็ฟป่จณใ‚’ใ™ใ‚‹ใ“ใจ Go to Japan Embassy, for english TRANSLATION of your Japanese drivers license. ไบˆ็ด„ใฏๅฟ…่ฆใชใ—。 NO NEED for appointment, Walk-in ok. ้–‹ๆฅญ ๆ™‚้–“ใฎ20ๅˆ†ๅ‰ใซ่กŒๅˆ—ใŒ้–‹ๅ‚ฌ。 Japan Embassy Manila open Monday thru Friday(except holidays) 8:30~12:30. 13:30~17:15 Falling in line in front of the gate may start 20 mins before opening hour. ่จชๅ•็›ฎ็š„ๆ›ธใ‚’่จ˜ๅ…ฅ。 ๅคงไฝฟ้คจใฎๆ•ทๅœฐๅ†…ใซๆบๅธฏ้›ป่ฉฑใฎๆŒใก่พผใฏใฟ็ฆๆญข。ๆบๅธฏ้›ป่ฉฑใฏใ‚ฌใƒผใƒ‰ใƒžใƒณใซ้ ใ‘ใ‚‹。 Fill up a form at the gate: name; address; tel#; purpose of visit. Give to the guard together with your cellphones. Cellphones not allowed inside embassy premise. Bawal ipasok ang cellphones sa loob ng Japan Embassy. ๆŒใฃใฆใ„ใใ‚‚ใฎ Bring the following: ①Japanese Driver's License, submit to window and will get back upon release of translation ๆ—ฅๆœฌ้‹่ปขๅ…่จฑ่จผ ②Philippine Passport ใƒ‘ใ‚นใƒใƒผใƒˆ ③Residence Card in Japan ๅœจ็•™่ณ‡ๆ ผ(ACR) ④Application form (ibibigay ng  personel) ็ฟป่จณใฎ็”ณ่พผๆ›ธ(ๅคงไฝฟ้คจใฎ็ช“ๅฃใงๆธกใ•ใ‚Œใ‚‹)่จ˜ๅ…ฅ。...

Shrine in Japan

Image
Hello, Konnichiwa, Magandang araw po!๐Ÿ˜ the Shrine we visited, where?! I was challenged to climb the steps. I felt tired immediately, lack of exercise I supposed. ๐Ÿคฃ๐Ÿคฃ Maganda ang tanawin dito, Na-exercise ang mga paa ko, May mga souvenir na tinda sa shrine, Mag-exercise upang magka-power!

Visited Wakayama Prefecture

Image
Hello, Konnichiwa! Magandang araw po! Hubby and I visited Wakayama City. It took us ๏ผ“~๏ผ”hours drive via Meishin Expressway from Ichinomiya City. Arriving in Wakayama City, we stayed overnight at Wakayama Daiwa Royal Hotel.  I made online reservation the night before and luckily a room was available. Payment we made upon check in. Our booking include a buffet breakfast. All the foods are delicious and healthy. The parking lot is adjacent the hotel building for a fee. The next day, we visited Wakayama Castle, the nearby Honmachi and the famous temples at the mountain. We travelled the bypass road of Wakayama City 3 times, back and forth, to one tourist spot to another and in going back home. Hubby told me, the difficult part of Wakayama is it's surrounded by mountains and rivers so there are no shortcut roads and bypass is the only way to go around. We enjoyed our stay though. Have you experienced any difficulty in travelling Japan? Thank you, Arigato gozaimasu, and ...

Tofu presents

Image
I love tofu๐Ÿ’– it's so healthy, yummy and can be use in almost any recipe. I believe all country has different tofu. I want to see different types of tofu in the world. Can you share your country's tofu?๐Ÿ™‚

sightseeing in Japan

Image
Hello, Konnichiwa, Magandang araw po!๐Ÿ˜Š Sunday drive around Ena Gifu with hubby. Akyat ng bundok, sightseeing. Napadaan sa isang lugar, may bombero at pulis, may sunog pala...kakatapos lang. Winter season, dry ang atmosphere kaya prone sa sunog. Hubby love to drive along the mountain winding road. We had lunch at Sato Family Restaurant afterward and go home. Where did you spend your sunday drive?                 view of Kasagi Dam                                              Gifu Prefecture, Ena Lunch at Sato Family Restaurant https://sato-res.com/store/0563530290/