Japan ang pinakamaraming Jinzai Haken Gaisha sa buong Mundo

Nasubukan mo na magregister at magtrabaho sa Jinzaihakengaisha? Alamin natin ang ibig sabihin ng " Jinzai Haken Gaisha ". Jinzai =human resource (tao) Haken =temporary employment (trabaho) Gaisha/Kaisha =company (kumpanya) Jinzaihaken = temporary staff (pansamantalang tauhan) Jinzaihakengaisha= temporary staffing company or agency Sa makabagong salita, "Outsourcing" company Kadalasan "Hakengaisha o Haken" ang shortcut na tawag. Sa kasalukuyan panahon, maraming Hakengaisha sa Japan. At ayon sa survey, Japan ang may pinakamaraming Hakengaisha sa buong mundo, mas marami pa kaysa sa USA. Jinzaihakengaisha ...... Japan ...vs... America Bilang ng Kumpanya...................... 66,690 ................. 13,910 Sangay/branches ......................... 82,658 ................. 32,932 Hakengaisha#of staffs.................. 185,000 ............... 191,592 (Chart 1) Maraming japanese (banyaga din) ang nagtatrabaho sa Hakengaisha. ...