Psst! Bagong parusa dinagdag ng Japan Immigration Bureau

Hi, share ko lang ang nabasa ko ๐Ÿ”–

Simula January 1, 2017 pinatupad ang Amended Immigration Control Act.

Noong araw, walang kaparusahan pinapataw ang immigration sa huwad na  impormasyon na binibigay o sinusulat ng aplikante sa pagaapply ng residence visa.

Mula ngayon, sakop na ng mahigpitan imbistigasyon ang mga impormasyon na ibibigay at isusulat sa pag-aapply ng residence visa. 

Ang agency, abogado, administrative scrivener, opisyal ng paaralan at iba pang  tumulong sa pagproseso ng residence visa application tulad ng working visa, student visa, spouse visa, permanent residence ay lilitisin at papatungan ng parusa kapag nakita na may kasinungalingan ang mga impormasyon na ipinasa, ayon sa Amended Immigration Act Law.

Ang batas na ito ang ikalawang pinakamalaking pagbabago sa Bansang Japan.

Layunin ng Bagong Immigration Control Act:

1. Mapalaganap ang strategy: "Japan, Pinakaligtas na Bansa sa Buong Daigdig".
2. Hulihin ang mga sangkot sa peke na kasal.
3. Pigilin ang illegal na paninirahan sa Japan.
4. Hulihin ang mga nagbabalatkayo na residente.
5. Hulihin ang mga TNT.
6. Hulihin ang mga smuggled na grupo na pinuslit sa Japan.
7. Hulihin ang peke na pasaporte.

Napagpasyahan ng gobierno na ipalaganap ang pagsuri ng iba't-ibang krimen na may kaugnayan sa palisipikasyon at pekeng kasal. (Pinagtibay ng Gabinete noong December 10, 2013).

Basihan ng Kaparusahan:

1. Pagbibigay ng huwad na dokumento sa illegal na paraan upang makapasok ng Japan at makakuha ng residence status.

2. Pagsisinungaling, pagbibigay ng maling paratang, pagtago ng importanteng katunayan, pagpasa ng huwad na dokumento.

3. Pagsisinungaling sa alinman application tulad ng change of status of residence, renewal of period of stay, permission of permanent residence, acquisition of status of residence, withdrawal of status of residence at iba pa alinsunod sa Provision Chapter 4 Section 2 (Article 70, Paragraph 1 Item 2 of 2 ng bagong Immigration Control Act.)

4. Paggawa ng palsipikasyon upang kumita. (Amendment law 74-6)


Hindi lamang broker kundi pati na ang mga staffs, abogado, administrative scrivener, opisyal ng eskuwelahan na may kinalaman sa paggawa ng huwad sa application ay papatawan ng parusa(Article74-6).

Sa kabilang dako, magiimbistiga ang immigration bureau at malilitis sa kasong kriminal kapag ang nakasulat sa application form ay "mali at illegal", o ang nakasulat ay mahirap mapatunayan, o may parte sa application form na hindi sinagutan.

Kapag nagsaad ng paratang ang awtoridad ng immigration, hindi lang ang banyagang aplikante ang magiging target ng imbistigasyon at demanda kundi pati na ang kanyang pamilya, pinagtatrabajuhang kumpanya, abogado, administrative scrivener, opisyal ng paaralan at iba pa.

Ang itinalang parusa sa bagong batas na ito ay kulong, o pagkakulong ng hindi lalampas ng 3 taon o multa na hindi lalampas ng 3 milyon yen, o parehong kulong at multa.



Check po natin mabuti ang lahat ng papeles bago ipasa at siguraduhin na nasagutan lahat ang dapat sagutan.

Salamat po sa pagbasa๐ŸŒ


Comments


  1. 250/5000
    Ang astrolohiya mao ang labing maayong butang alang sa kinabuhi. Kini mao ang yawe sa tanang matang sa mga problema sa kinabuhi. Kon adunay bisan kinsa nga tawo nga adunay mga problema sa kinabuhi unya siya kinahanglan nga makigtagbo uban sa labing maayo nga astrolohiya nga espesyalista sa City nga nakig-kontak sa Templeofanswer@hotmail.co. uk / + 234 (815) 542-5481

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal