Kaugalian sa Japan kapag dadalo ng Kasal
Kasal ng Hapon
OIWAIKIN, regalo na pera (お祝い金)
Ayon sa kaugalian sa Japan, ang pagbibigay ng regalo na pera, "oiwaikin" ang tawag, sa Kasal ay ipinapadala pagkatanggap ng imbitasyon. Subalit dahil nagbabago na ang style ng Kasal at wedding party(hirouen) sa kasalukuyan panahon, ang pagbibigay ng o-iwai-kin ay inaayon sa situasyon.
Halaga ng Oiwaikin
Ayon sa karamihan, ang pinakamababang oiwaikin ay 20,000 yen. Nagbabago ang halaga ng oiwaikin depende sa relasyon ng bisita sa ikakasal. Inilalagay ang oiwaikin sa sobre na ang tawag ay "shugibukuro". Para sa mga hapon, may ibig sabihin ang mga numero. Kapag Kasal, ang oiwaikin ay binabase sa odd numbers tulad ng 1, 3, 5, 7 para daw hindi mag-breakup o maghiwalay. Pero kahit even numbers na 2, 8, 10, 12 ay pwede naman, yon nga lang ay iniiwasan ng karamihan. Mas bawal ang numbero na 4 at 9 dahil ang "4" ay nagpapahiwatig ng kamatayan (shi, 死) at ang "9" ay napapahiwatig ng paghihirap (ku, 苦).
Relasyon ng Bisita sa Ikakasal at Oiwaikin(Estimate)

Shugibukuro 御祝 |

Matalik na Kaibigan at Kaibigan.....20,000~30,000 yen
Kasamahan sa Trabajo:
・Colleague & Senior....................20,000~30,000 yen
・Junior......................................30,000 yen
Customer sa trabajo....................30,000~50,000 yen
Pinsan........................................30,000 yen
Pamangkin..................................50,000~100,000 yen
Kamaganak.................................30,000~50,000 yen
Kapatid na Lalaki at Babae............ 50,000~100,000 yen
Shugibukuro 寿 |
Shugibukuro
Ang gamit ng shugibukuro ay minsan lang.
Importante na ang design ng shugibukuro at ang oiwaikin ay ugma.
Kapag ang presyo ng shugibukuro ay 1,000 yen, ang ugma na oiwaikin ay 100,000 yen.
Importante na ang design ng shugibukuro at ang oiwaikin ay ugma.
Kapag ang presyo ng shugibukuro ay 1,000 yen, ang ugma na oiwaikin ay 100,000 yen.
1. Dapat brand new yen paper bill na oiwaikin
2. Brush pen ang dapat gamitin pang-sulat
3. Gold & Silver or Red & White dapat ang kulay ng ribbon, mizuhiki ang tawag.
4. Isulat ang buong pangalan sa ibaba ng mizuhiki.
Kung mag-asawa, Family Name ang gamitin.
Kung mag-asawa, Family Name ang gamitin.
5. Isulat sa likod, bandang kaliwang gilid ng sobre ang sariling address, pangalan at halaga ng oiwaikin.
6. Isulat sa kanji character ang bilang ng oiwaikin.
Halimbawa 30,000 yen → 金参万円.
Halimbawa 30,000 yen → 金参万円.
Kaugalian
★Kung ang wedding ceremony ay sa simbahan at walang imbitasyon para sa wedding party (hirouen), tama lang ang 10,000 yen na oiwaikin. Mas mabuti na ibigay ang oiwaikin ng mas maaga bago pa dumating ang petsa ng kasal.
★ Kapag pangalawang Kasal (Saikon) at mayroon gaganapin na wedding party (hirouen), ang oiwaikin ay tulad din ng first time na Kasal.
Pero minsan, mayroon Saikon wedding na "ambagan" style. Kapag "ambagan" style (kai-in-hi会員費 ang tawag), hindi na kailangan magbigay ng oiwaikin. Hindi na din kailangan ilagay sa shugibukuro ang ambag, kagawian ay iabot lamang.

★Kapag pinadalahan ng wedding invitation at alam na hindi makakapunta, isulat sa return card na hindi makakadalo pero dapat pa din ipadala ang 50% oiwaikin.
Kung na-kumpirma na pupunta sa Kasal, subalit sa biglaan dahilan hindi makakadalo, dapat pa din ipadala ang 100% oiwaikin.
★Para sa Kababaihan
Kapag ang Kasal ay sa araw gaganapin, mainam na one-piece o kaya suits ang isuot. Magdamit ng moderate design. NG (Not Good) ang damit na nakalabas ang balikat o dibdib, mag-stole o mag-blacer. Pumili ng kalmadong design ng accessories, corsage at pearl.
Kapag ang Kasal ay sa gabi gaganapin, pwede ang damit na nakalabas ang balikat, long dress at masayang design. Pwede din magsuot ng gold accessories at alahas na may makikislap na bato.
Kung itim ang isusuot, pumili ng glossy na tela at simple accessories. Iwasan magsuot ng puti dahil yan ang kulay ng bride.
★Para sa Kalalakihan
Kung itim ang isusuot, pumili ng glossy na tela at simple accessories. Iwasan magsuot ng puti dahil yan ang kulay ng bride.
★Para sa Kalalakihan
Mainam ang dark color na suits tulad ng navy blue, grey, atbp. Ang necktie ay iayon sa suits.
★Huwag gumamit ng bag o sapatos na hawig sa balat ng reptiles, gaya ng buwaya, ahas, atbp na makamandag o pumapatay dahil ang image ay kamatayan.
Excited na po ba dumalo ng Kasal? 🙂
Comments
Post a Comment