Posts

Showing posts with the label Life troubles

Psst! Bagong parusa dinagdag ng Japan Immigration Bureau

Hi, share ko lang ang nabasa ko ๐Ÿ”– Simula January 1, 2017 pinatupad ang Amended Immigration Control Act. Noong araw, walang kaparusahan pinapataw ang immigration sa huwad na  impormasyon na binibigay o sinusulat ng aplikante sa pagaapply ng residence visa. Mula ngayon, sakop na ng mahigpitan imbistigasyon ang mga impormasyon na ibibigay at isusulat sa pag-aapply ng residence visa.  Ang agency, abogado, administrative scrivener, opisyal ng paaralan at iba pang  tumulong sa pagproseso ng residence visa application tulad ng working visa, student visa, spouse visa, permanent residence ay lilitisin at papatungan ng parusa kapag nakita na may kasinungalingan ang mga impormasyon na ipinasa, ayon sa Amended Immigration Act Law. Ang batas na ito ang ikalawang pinakamalaking pagbabago sa Bansang Japan. Layunin ng Bagong Immigration Control Act: 1. Mapalaganap ang strategy: "Japan, Pinakaligtas na Bansa sa Buong Daigdig". 2. Hulihin ang mga sangkot sa peke na kasal...

Nag-diborsiyo o na-balo sa asawang Hapon

Image
Hi ⚘๐ŸŽ•⚘ Kaunting kaalaman lang para satin Filipino kung sakaling nag-diborsiyo o na-balo sa asawang Hapon at kung ang hawak na visa ay haigusha visa (spouse) ☝️ 『 Case Study: Ikaw ay Filipino na kasal sa Hapon/haponesa. Ang hawak mong visa ngayon ay Spouse of Japanese National. Ikaw ay nakipag-diborsiyo sa iyong asawang hapon. O kaya ang iyong asawang hapon ay namatay. Pero gusto mo pa din magpatuloy manirahan sa Japan. 』 Bago ang lahat, sa loob ng 14 days pagka-diborsiyo o pagkamatay ng iyong asawang hapon, pumunta agad sa Immigration Bureau at magpasa ng papel na "Haigusha ni Kansuru Todoke". Tiyakin na maipasa ang papel na yan sa nasabing  palugit dahil paglipas ng palugit ay expire na ang benepisyo mong magpatuloy manirahan sa Japan. Copy and paste↓ at i- download ang form o humingi sa immigration. http://www.moj.go.jp/content/000099572.pdf ※ito ay sample na larawan lamang Pagkatapos ma-diborsiyo o ma-balo sa Hapon: > Kung hindi ka mag...

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal

Kung nagpakasal ang isang tao habang meron siyang unang kasal na may bisa pa,  pwede siyang kasuhan ng BIGAMY.  Ang bigaymy ay isang criminal offense kung saan pinaparusahan ang pagpapakasal ng ikalawang beses na hindi napapawalang bisa ang unang kasal sa isang annulment case.  Ito ay nakasaad sa Article 349 ng Revised Penal Code: "the penalty of prison mayor (from six years and one day to twelve years) shall be imposed upon any person who shall contract a second or subsequent marriage before the former marriage has been legally dissolved, or before the former marriage has been legally dissolved, or before the absent spouse has been declared presumptively dead by means of a judgment rendered in the proper proceedings." Ito ay isang public crime kung saan ang gobierno either through NSO o iba pang ahensya ng gobierno ang nagsasampa ng kaso kahit hindi magsampa ng kaso ang una o ikalawang asawa o kahit wala silang kooperasyon o prima sa complaint.  Pina...

Ikaw ba ay inampon o nag-ampon?

Hi, share ko lang ang nabasa ko tungkol sa pagaampon sa Pilipinas ๐Ÿ‘ถ๐Ÿ‘ถ "ampon ko sya. pinalagay namin sa birth certificate nya na kami ang magulang" Halos lahat daw ng pag-aampon (domestic adoption) sa Pilipinas ay impormal. Ang tawag sa impormal na pag-aampon ay  "Simulation of Birth". At ang birth certificate ay "Simulated Birth Certificate". Illegal ang Simulation of Birth at may parusa ayon sa batas: "Simulation of birth is punishable under Article 347 of the Revised Penal Code and Section 21(b) of the Domestic Adoption Act." "SIMULATED BIRTH CERTIFICATE meaning, the tampering of the civil registry making it appear in the birth records that a certain child was born to a person who is not his/her biological mother, causing such child to lose his/her true identity and status." "Any person who shall cause the fictitious registration of the birth of a child under the name(s) of a person(s) who is not his/her biologi...

Payo ng Buhay

Image
๐ŸŽ• Ngayon ang araw na matututunan mo ang sekreto ng buhay ๐ŸŽ• Ngayon ang araw upang simulan gumawa ng masaya at kapakipakinabang na buhay. Ano ang pakiramdam mo ngayon? Masama ba ang loob mo? Ano ang kasalukuyan mong damdamin? Ano ang biglang pumasok sa isipan mo? Sabi ng iba, ang buhay ay puno ng kalungkutan. Pero hindi buhay ang puno ng kalungkutan, kundi ang iyong isipan. Huwag sayanggin ang oras sa pagreklamo ng iyong limitasyon, ng iyong mapait na relasyon, ng iyong problema, sakit, kahirapan, at iba pa. Habang binibigkas mo palagi ang iyong problema, mas lalo itong kumakapit sa iyo. Huwag manisi ang ibang tao tungkol sa iyong problema. Ito din ay isang pagsasayang ng oras.  ๐ŸŒน Salamat po sa pagbasa.

Lumayas sa bahay ng asawang Hapon.

" Humiwalay na po ako ng tirahan at lumipat sa kaibigan sa Tokyo.  Taga Aichiken po ang asawa ko,. m ay magagawa po ba ako way para sa visa ko kahit hindi ko sya kasama? Makakapag-extend po ba ako? Totoo po ba yong mag babayad ka ng sarili mong tax ..salamat po ng madami." Kung ang dahilan ng paglayas sa asawang Japanese ay Domestic Violence (DV), maari magtungo sa Shiyakusho kung saan naka-rehistro ang tirahan, upang humingi ng tulong.  Meron silang tinatawag na SHELTER.  Dyan na patitirahin, bibigyan din ng trabajo at iba pang suporta habang inaayos ang kaso ng DV.  Kaya kahit walang dalang pera o damit, walang dapat alalahanin.   3 klase ang Domestic Violence (DV):   1) Physical violence tulad ng pagbugbog, pagtulak sa hagdanan,  pag-hagis ng mga bagay na intention makasakit at iba pang gawain pananakit.  2) Mental/Emotional violence tulad ng pagmumura sa harapan n...