Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?



Hi.  ๐Ÿ˜‡

Naisip ko lang, gaano kaya karaming tao ang marunong magsalita ng wikang Filipino (Tagalog).


Ano nga ba ang pagkakaiba ng Filipino at Tagalog.


Sa simpleng explanasyon...
Noong 1937, upang maging isa ang buong Pilipinas sa wika at diwa,
gumawa ng Pambansang Wika ang gobierno.
At Tagalog ang napiling Pambansang Wika na tinawag na PILIPINO.
Pilipino = Tagalog
Tagalog ang native language sa dakong South ng Pilipinas, 
At naging second language sa lahat ng isla sa Pilipinas. 

Noong 1987, naging FILIPINO ang Pilipino.
FILIPINO na ang tawag sa Pambansang Wika.
Ang pagkakaiba, nadagdagan ang alpabeto ng abakadang Pilipino.
Naging moderno.
  

Gaano kadami ang marunong mag-Filipino (Tagalog)?


Ayon sa survey, 24.2 milyon katao ang nagsasalita ng Filipino bilang native language, mother tongue o first language.
At 65 milyon katao ang nagsasalita bilang second language.

Ibang bansa na gumagamit ng wikang Filipino:

① Canada
② Guam
③ Saudi Arabia
④ United Arab Emirates
⑤ United Kingdom
⑥ U. S. A
Ang mga states na may pinakamaraming nagsasalita ng Filipino ay Nevada, California at Washington.


Ano ang ibig sabihin ng mother tongue, native language, first language at second language?


Ang mother tongue ay maari din native language.
Ito ang unang salita na natutunan ng bata mula sa kanyang magulang.
Salita na ginagamit sa loob ng bahay ng pamilya.
Salita na minanana pa mula sa ninuno at pinasa sa susunod na henerasyon. Nagpapahiwatig ng lahi, native language.

Ang native language ay maari din mother tongue.
Ito ang salita na ginagamit sa iyong bansang sinilangan.

Ang first language ay maari din mother tongue o native language.
Pero maari din ibang wika na natutunan at naging bihasa.
Ang first language ang wika na ginagamit magisip at kumportable na ipahiwatig ang sarili.

Ang second language ay iba pang wika na ginustong pagaralan bilang dagdag na skill.

Ang tao ay maaring lumaki na Monolingual, Bilingual, Trilingual o Multilingual o Polyglots speaker.


40% ng tao sa mundo ay monolingual (1 wika lang ang alam salitain)
43% ay Bilingual (2 wika ang alam na salitain)
13% ay Trilingual (3 wika ang bihasa na salitain)
3% ay Multilingual (4 na wika ang kayang salita)
Polyglots ang tawag sa tao na nakakapagsalita ng 5 wika o higit pa, 1%



Ilan language ang alam mo? ๐Ÿ˜ƒ

Comments


  1. 250/5000
    Ang astrolohiya mao ang labing maayong butang alang sa kinabuhi. Kini mao ang yawe sa tanang matang sa mga problema sa kinabuhi. Kon adunay bisan kinsa nga tawo nga adunay mga problema sa kinabuhi unya siya kinahanglan nga makigtagbo uban sa labing maayo nga astrolohiya nga espesyalista sa City nga nakig-kontak sa Templeofanswer@hotmail.co. uk / + 234 (815) 542-5481

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal