Mga Uri ng Japanese Naturalization
Ano sa nihongo ang Japanese Naturalization? "Kika (帰化)" po.
Marami-rami na din pilipino, na may stable na pamumuhay dito sa Japan, ang nagpa-Japanese Naturalization. Sino-sinong pilipino ang nagpapa-Japanese Naturalization?
・Andiyan ang mga kasal sa japanese na may mga anak na japanese citizen.
・Andiyan ang half filipino na hindi agad nai-register ang kanilang kapanganakan sa Family Registry (Kosekitohon) ng ama o ina na japanese.
・Andiyan ang third generation japanese (sanze), ang lola o lolo ay nihonjin.
・Andiyan ang mga filipino migrant workers na nakapag-pundar na ng maunlad na kabuhayan dito sa Japan. (case by case)
Alam kong marami pa din filipino ang interesado magpa-japanese naturalization.
May nababasa ako na nagsasabi na mas madali pa ang magpa-naturalization kaysa magpa-permanent resident. Kanya-kanyang haka-haka po yan. Kung aktual na gagawin, pareho mabusisi sa papeles, oras at pera. Pero kung hindi susubukan, hindi makakamit ang layunin.
Ano ang mangyayari kapag naging naturalize japanese citizen?
Magiging nihonjin ka na! Japan citizen na!
Pwede na mag-apply ng Japan passport.
At syempre, dahil japanese citizen na, wala ng limitation sa ano man trabajo. Hanggang hindi bumabalikwas sa batas ng Japan, kahit anong klase ng trabajo ay pwede hanapbuhayin. Hindi na kailangan ng visa at residence card. Wala ng iisipin pa na extension o kaya change of visa.
May 3 uri ng naturalization ang Japan.
1. Normal na Naturalization.
(under Nationality Act Article 5 of Naturalization)
Ang iyong pamilya (asawang lalaki, asawang babae, at mga kamaganak) ay hindi japan citizen.
2. "Asawang lalaki o asawang babae ay Japanese citizen" na Naturalization.
(under Nationality Act Article 7 of Naturalization)
Na ang iyong asawang lalaki o asawang babae ay japanese citizen.
3. "Ang iyong ama, ina ay Japanese citizen" na Naturalization.
(under Nationality Act Article 6 & Article 8 of Naturalization)
Ang iyong ama o ina ay japanese citizen, ikaw ay anak ng japanese.
Ang pag-aapply ng Japanese Naturalization ay ginagawa sa Ministry of Justice (Homusho), hindi sa Immigration. Para sa pagaapply ng naturalization, madaming papeles ang kailangan lipunin, papeles na kailangan gawain kaya yong iba ay gumagamit ng tulong ng administrative scrivener(gyoseishoshi) o abogado (bengoshi). Madaming mahahanap sa internet na legal support, i-google nyo lang ang word na "Kika/帰化". Although pwede mo din subukan lakarin ng sarili lang. Ang isa pang requirement sa Japanese Naturalization ay nihongo skill. Dapat marunong ng nihongo reading, writing, speaking at least grade 4 elementary level.
Balak nyo po ba magpa-japanese naturalization? Kika suru?
Comments
Post a Comment