Mga Henerasyon ng mga ipinanganak at lumaki sa Japan



Naiitanong ko lang kung saan ako kabilang na henerasyon sa komunidad ng Japan ๐Ÿ˜



Henerasyon: Showa hitoketa sedai (Showa 1 digit)
Kapanganakan: 1927-1934  
Edad Ngayon: 83-90 years old
Takbo ng Kapanahunan: Krisis ng Ekonomiya sa Buong Mundo
(World Depression/Sekai kyoko)

Henerasyon: Yakeato sedai (isinilang noong gera) 
Kapanganakan: 1935-1946 
Edad Ngayon: 71-82 years old.
Takbo ng Kapanahunan:  Katapusan ng Digmaan Pangdaigdig (End of WWII/Dainiji sekai taisen shusen)

Henerasyon: Zenkyoto sedai (nag-rally ang mga estudyante)
Kapanganakan: 1941-1949
Edad ngayon: 68-76 years old.
Takbo ng Kapanahunan: Panglipunang Protesta laban sa US-Japan Security Treaty (Zenkyoto undo, Anpo toso)

Henerasyon: Dankai no sedai (unang grupo ng baby boomers)
Kapanganakan: 1947-1949
Edad ngayon: 68-70 years old.
Takbo ng Kapanahunan: Unang Baby Boomer (Daiichiji Bebi bumu). Madaming ipinanganak.

Henerasyon: Shirake sedai (ang mga Kabataan ay walang interes sa politika)
Kapanganakan: 1950-1964
Edad ngayon: 53-67 years old
Takbo ng Kapanahunan: Krisis ng Langis sa Buong Mundo
(Daiichiji Oiru shokku, World Oil Shock )

Henerasyon: Shin Jinrui (ang mga makabagong kabataan)
Kapanganakan: 1961-1970
Edad ngayon: 47-56 years old
Takbo ng Kapanahunan: Simula ng Entrance Exam sa Public Universities. Pumasok ang kultura ng iba't-ibang bansa.
(Kyotsu ichiji Shiken Kaishi, Sabu-Karucha-Ryusei)

Henerasyon: Baburu sedai (bubble economy) 
Kapanganakan: 1965-1969
Edad ngayon: 48-52 years old.
Takbo ng Kapanahunan: Madaming dilinquente na Kabataan (Tsuppari bunka)

Henerasyon: Dankai Junia (junior baby boomer)
Kapanganakan: 1971-1974
Edad ngayon: 43-46 years old.
Takbo ng Kapanahunan: Ikalawang Baby Boomers (Dainiji bebi buma)


Henerasyon: Hyogaki sedai/Ushinawareta sedai (madami ang naging "Freeters" na  manggagawa)
Kapanganakan: 1970-1983
Edad ngayon: 34-47 years old.
Takbo ng Kapanahunan: Pumutok ang tinatawag na bubble economy. Employment ice age. (Baboru hokai, Shushoku Hyogaki)

Henerasyon: Posuto Dankai Junia (post baby boomer)
Kapanganakan: 1975-1984
Edad ngayon: 33-42 years old.
Takbo ng Kapanahunan: Madaming Fashionista na teenage girls (Kogyaru bunka)

Henerasyon: Yutori sedai/Satori sedai (maginhawa at madali na pagaaral)
Kapanganakan: 1987-2003
Edad ngayon: 14-30 years old
Takbo ng Kapanahunan: Nabawasan ang oras at araw ng klase kaya ang leksyon ay nabawasan din. Naging mas relax ang aralin sa iskwelahan.
Naging popular ang gamit ng Internet.
(Yutori Kyoiku, Intanetto Fukyu)

Henerasyon: Datsu yutori sedai (bumaba ang talino ng yutori generation ⇒ papataasin muli sa datsu yutori generation)
Kapanganakan: Mula 2004~.
Edad ngayon: 1-13 years old.
Takbo ng Kapanahunan: hinikayat na itaas muli ang talino ng mga magaaral upang maibalik ang academic power ng Japan. Madaming estudyante ang nag-enroll sa booster classes (private tutorial class, jukuๅกพ) upang madagdagan ang kaalaman sa mga leksyon na hindi naituturo sa iskwelahan. Naging popular ang gamit ng smartphone.
(DatsuYutoriKyoiku, SumatofonFukyu)


Ikaw, aling Generation?
 





Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal