Japan ang pinakamaraming Jinzai Haken Gaisha sa buong Mundo

Nasubukan mo na magregister at magtrabaho sa Jinzaihakengaisha? 


Alamin natin ang ibig sabihin ng "Jinzai Haken Gaisha".

Jinzai=human resource (tao)
Haken=temporary employment (trabaho)
Gaisha/Kaisha=company (kumpanya)
Jinzaihaken= temporary staff (pansamantalang tauhan)
Jinzaihakengaisha= temporary staffing company or agency
Sa makabagong salita, "Outsourcing" company
Kadalasan "Hakengaisha o Haken" ang shortcut na tawag. 

Sa kasalukuyan panahon, maraming Hakengaisha sa Japan.
At ayon sa survey, Japan ang may pinakamaraming Hakengaisha sa buong mundo, mas marami pa kaysa sa USA.

Jinzaihakengaisha ...... Japan...vs...America
Bilang ng Kumpanya......................66,690.................13,910
Sangay/branches ......................... 82,658.................32,932
Hakengaisha#of staffs..................185,000...............191,592


(Chart 1)



Maraming japanese (banyaga din) ang nagtatrabaho sa Hakengaisha.
Ayon sa data noon 2016, 1.33 million japanese ang under sa Hakengaisha.
Ang klase ng employment ng haken worker ay arubaito o contract workers.
Ibig sabihin, indirect employed sa kumpanya at hindi regular employee.
Nakapasok sa payroll ng Hakengaisha ang mga haken workers, hindi sa payroll ng kumpanyang pinapagtrabajuhan.
Hakengaisha din ang magpapasok ng haken workers sa welfare system tulad ng Health insurance, Pension Plan, Unemployment Insurance.
Hakengaisha din ang magbibigay ng suporta at pananagutan sa empleyado kung mayroon man mangyari.
Pero kumpanya ang nagtuturo ng gawain sa trabajo.

2 klasipikasyon ng manggagawa mayroon dito sa Japan:
1. Skilled workers, mga de kalibre tulad ng engineers, nurses, artist, at iba pa.
2. General workers, mga unskilled workers o simple workers.


Madaming makikitang job advertisements (kyujin) sa internet, free papers at iba pa na halos ads ng mga Hakengaisha.
Ang paraan ng pag-aapply sa Hakengaisha ay registeration style (toroku).
Wala ng interview (mensetsu) at hindi na hinahanapan ng resume (rirekisho).
Mataas ang sweldo na nakasulat sa job ads ng Haken company.
Pero kung tutuusin, mas mababa kaysa sa minimum wage ang kikitain kapag nagsweldo na.
Mas mura ang sweldo kumpara sa bigat ng trabajo.
Sobrang habang oras ng trabaho na halos hindi na makaya ng katawan.
At iba pang problema.
Ayon sa mga japanese commentator, ang "Hakengaisha" ang modern generation Human Traffickers at Human Slavery.

Kahit sa Hellowork na sangay ng gobierno, na dapat ay direct placement, ay madaming Hakengaisha ang nag-aadvertise ng vacancy.
Kung hindi marunong sa nihongo, hindi mapapansin na deployment agency pala ang napasukan.

Madaming Hakengaisha na "Corporation" (Kabushikigaisha) na sa kasalukuyan.
Ayon sa Corporation Law noong nakalipas taon, isang million yen (1,000,000 yen) capital investment ang kailangan upang makapagtayo ng "Corporation".

Sa bagong Corporation Law ng Japan, 1 yen lang pwede ng matayo ng Corporation.
Ni lapis hindi makakabili ang 1 yen, di ba? ๐Ÿ˜…

Ito na din marahil ang dahilan kung bakit mas dumami ang Hakengaisha businesses.
Ang Hakengaisha ay,
hindi manufacturer,
walang produkto na ginagawa,
walang produkto na ibinebenta,
Walang Fixed Assets.
Ang opisina ay renta lamang.

Oo, maganda at malinis ang opisina nila, nakakabighani magtrabajo.
Hindi agad ipinakikita ng Hakengaisha ang lugar ng pagtatrabajuhan,
dahil baka biglang umayaw yong aplikante.

Paano kumikita ang Hakengaisha?
Ang Hakengaisha ay middleman o broker.
Kumikita sila sa pamamagitan ng commission at porsiento.
Pag nagpakilala ng manggagawa, may commission.
Sa haken workers, may porsiento binabawas.
Sa madaling salita, kaliwa't-kanan ang kita ng hakengaisha.
Mula sa customer company at haken worker.
"pin-ha-ne" ang tawag ng mga japanese sa porsientong binabawas sa sweldo.
Binabawasan hindi lang sa 1 buwan na sahod... hindi lang sa 6 na buwan na sahod... hindi lang sa 1 taon na sahod, kundi hanggang ang haken worker ay hindi nagre-resign patuloy ang pin-ha-ne.
Kung mamalasin pa ang trabahador, bigla na lang nagsasara ang hakengaisha.
Ibig sabihin, pag kukunin na ang sweldo, wala na dun sa lugar ang opisina, tumakbo na.

Ang mga hakengaisha ay parati lumilipon ng mga manggagawa.
Kahit wala pang mapagpapasukan ng trabaho ang aplikante ay tanggap sila ng tanggap.
Ginagamit nila ang mga tao ayon sa demand ng mga customer company.
Kaya nako-control ng hakengaisha ang labor market ng Japan.
Sa kabilang dako, nakikinabang din ang mga malalaking kumpanya sa paggamit ng Hakengaisha upang makalusot sa responsibilidad ng Labor Law.


Karamihan ng negosyo na sinusupplyan ng trabahador ng hakengaisha:
1. Restaurants, food shops & stores
2. Electronics store
3. Pachinko Parlor
4. Factories
5. Construction Industry
6. Fashion Industry
7. Cleaning ang maintenance service
8. Ospitals at Welfare institutions (mga nurses, caregivers, etc.)
9. Resorts, Amusement Theme Parks
At marami pang iba.


Ang mga pangunahin Hakengaisha sa Japan
1. Tempstaff
2. Recruit Holdings
3. Pasona Group
4. Randstad
5. Adecco
At maraming-marami pang iba.
At patuloy pang dumadami kada amend ng batas ng Japan.



Basa-basa lang po tayo pang may time ๐Ÿ˜‡

Marami pong salamat.




















Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal