Nag-diborsiyo o na-balo sa asawang Hapon
Hi ⚘๐⚘
Kaunting kaalaman lang para satin Filipino kung sakaling nag-diborsiyo o na-balo sa asawang Hapon at kung ang hawak na visa ay haigusha visa (spouse) ☝️
『 Case Study:
Ikaw ay Filipino na kasal sa Hapon/haponesa.
Ang hawak mong visa ngayon ay Spouse of Japanese National.
Ikaw ay nakipag-diborsiyo sa iyong asawang hapon.
O kaya ang iyong asawang hapon ay namatay.
Pero gusto mo pa din magpatuloy manirahan sa Japan. 』
Bago ang lahat, sa loob ng 14 days pagka-diborsiyo o pagkamatay ng iyong asawang hapon, pumunta agad sa Immigration Bureau at magpasa ng papel na "Haigusha ni Kansuru Todoke". Tiyakin na maipasa ang papel na yan sa nasabing palugit dahil paglipas ng palugit ay expire na ang benepisyo mong magpatuloy manirahan sa Japan.
Copy and paste↓ at i- download ang form o humingi sa immigration.
http://www.moj.go.jp/content/000099572.pdf

※ito ay sample na larawan lamang |
Pagkatapos ma-diborsiyo o ma-balo sa Hapon:
> Kung hindi ka mag-aasawa muli, pwede baguhin sa Teijusha (Long Term visa).
> Kung magaasawa muli sa ibang Hapon, pwede i-update muli ang Spouse of Japanese National visa (Haigusha visa) na hawak.
2 Uri ang Teijusha pagkatapos ng diborsiyo o balo:
1. Mayroon anak na isinilang sa magasawa bago nag-diborsiyo/balo.
2. Walang anak na isinilang sa magasawa bago nag-diborsyo/balo.
1. Mayroon anak na isinilang sa inyo: "Rikon, Nihonjin Kodomo Ari, Teijusha"
Kahit mag-diborsiyo, makakakuha ng residence status (visa) mula sa iyong anak na Japanese national.
Ang tawag sa Residence Status na ito ay Nihonjin Jishi Fuyo Teiju (custodian,Teijusha visa, long term).
Mga puntos na dapat bigyan pansin:
> Pagka-diborsiyo o pagka-balo, mayroon anak na isinilang na japanese national.
> Ang batang yan ay pinapalaki sa Japan.
> May hanapbuhay ka.
*Kapag ang custody (karapatan) ng anak ay iyo, karaniwan ay nabibigyan ng Teijusha visa kahit maliit ang sweldo ng custodian (ikaw). Maari naman sabihin na sa ngayon ay maliit ang sweldo pero may planong lakihan ang kikitain sa darating na panahon.
> Kung ang edad ng japanese national na anak ay 2~3 taon gulang, makakabuti na ipasok sa yochien etc ang bata para maipakita mo sa immigration na isa kang responsable na custodian.
> Kapag nag-diborsiyo, bigyan ng pansin ang custody ng anak.
Kahit pa ang diborsiyo na ginawa ninyong magasawa ay Kyougi rikon (diborsiyo na kasunduan) o Chotei rikon (diborsiyo sa hukuman), siguraduhin makuha mo ang custody ng bata. Ang custody ng bata ay nakasulat sa Koseki, tignan mabuti kung nasa pangalan mo, ina, ang custody ng bata.
Isang Halimbawa:
Kung ika'y Filipino, hindi kasal sa Hapon at may anak na isinilang sa inyong dalawa, yan ay hindi basihan para makakuha ng Teijusha visa.
Kailangan muna i-nin'chi ng amang Hapon ang bata.
Pag na-nin'chi, isusulat sa Koseki ng lalaking Hapon ang pangalan ng bata na patunay na sya ay kanyang anak.
**Kahit hindi i-nin'chi ng lalaking Hapon ang bata, dahil mataas na ang technology ng DNA test ngayon, maari nang manalo sa hukuman ng nin'chi petition.
Maaring kang mag-kunsulta sa abogado o sa general scrivener malapit sa iyong lugar para sa processo ng nin'chi petition.
2. Walang anak na isinilang sa inyo: "Rikon, Nihonjin Kodomo Nashi, Teijusha"
Kapag walang anak, ang mga sumusunod ang maaring i-palit at i-apply:
a. Rikon, Nihonjin Kodomo Nashi, Teijusha
Diborsiyado-Walang Anak na Japanese national-Teijusha (long term)
b. Gijutsu・Kokusaigyomu・Jinbunchishiki Shikaku

Technical・Humanities ・International Business visa
c. Toushi・Keiei
Investor・Business Manager
d. Ryugaku
Foreign Student
e. Atarashi Dansei to no Saikon
Pagaasawa muli sa bagong partner na Hapon.
Pwede i-update ang Spouse of Japanese National visa o magpalit sa ibang visa.
a. Basihan para sa "Rikon, Kodomo Nashi, Teijusha":
> Tagal ng Kasal at Pagsasama ng mag-asawa

Kailangan higit pa sa 3 taon ang tuloy-tuloy na pagsasama at kasal.
* Hindi ang taon na nakasulat sa Koseki ang importante kundi ang aktual na pinagsamahan ng magasawa.
Halimbawa, ang nakasulat sa Koseki ay 10 taon ng kasal pero ang aktual na pinagsamahan ay 2 taon lamang.
Bale 2 taon lang ang lalabas na bilang ng kasal ng immigration.
* Dapat magkapareho ang nakasulat na address ng tirahan ng magasawa sa Residence card at ang panahon ng pagsasama ng magasawa. Dapat maaring patunayan ang pagsasama at maaring maipagpalagay.
* Kapag nag-aapply ng "Rikon, Kodomo Nashi, Teijusha" mula Haigusha visa, iimbistigahan ng immigration ang naging pagsasama ninyong magasawa bago pa kayo mag-diborsiyo. Kaya kung may pagsisinungaling sa ibinigay mong impormasyon, sigurado mabibisto.
* Bakit importante sa immigration ang tunay na pagsasama ninyong mag-asawa? Dahil importante malaman kung gaano ka na katagal sa Japan. Kung nasanay ka ng mamuhay sa Japan. Kung ang pundasyon ba ng iyong buhay ay nasa Japan na. Na ika'y man ay bumalik sa Pilipinas, "wala ka ng lugar na paglalagyan sa Pinas" kung baga, dahil nasa Japan na ang centro ng iyong pamumuhay.
> Independe na Pamumuhay, kayang tumayo sa sariling paa
Mayroon ka bang sapat na ari-arian o skills na ikabubuhay sa Japan?
* Mas strikto ang check ng immigration sa "Rikon, Kodomo nashi, Teijusha" kaysa sa "Rikon, Kodomo Ari, Teijusha" pagdating sa "kabuhayan" ng aplikante.
* Pag sinabing kabuhayan, ibig sabihin mayroon kang "matatag na kita".
* Hindi tinatanggap ng immigration ang trabajo sa gabi tulad ng sa pub, snack, kyabakura at iba pa bilang "matatag na kita".
Dapat regular na trabajo sa araw, sa kumpanya/kaisha.
Halimbawang kulang ang sweldo sa kaisha na pinagtatrabajuhan sa araw,
maaring mag-arubaito paminsan sa gabing trabajo tulad ng pub, mga 2~3 beses sa isang linggo halimbawa, para pangdagdag ng kita. Ito'y maaring gawing paliwanag na "matatag na kita".
**Dapat sa kumpanya/kaisha ang hanapin at gawin pangunahin trabajo. Ito'y hindi lamang para sa pagaapply ng Teijusha visa, kundi para sa darating na panahon ay makapag-apply din ng Permanent Residence.
*Kapag naramdaman ng immigration na may posibilidad magiging Seikatsu Hogo ang aplikante, dahil hindi matatag ang kita, hindi ito bibigyan ng Teijusha visa.
Ang pambansang interes ng Japan ay buhayin ang kanyang mamamayan, hindi para buhayin ang dayuhan sa Seikatsu Hogo.
Kailangan Papeles sa Change of Resident Status: "Rikon, Kodomo Nashi, Teijusha"
1. Zaishoku Shomeisho ng aplikante (employment certificate)
2. Kyuyo Meisaisho ng aplikante (salary statement)
3. Juminzei no Kazei・ Nozei shomeisho ng aplikante
(residence taxation/residence tas payment)
kung may trabajo ka bago mag-diborsiyo.
4. Rikon no kizai kosekitohon
(Kosekitohon ng asawang hapon na nakasulat na divorce kayo)
5. Juminhyo no utsushi ng aplikante (resident registry mo)
6. Dokumento na nagsasaad ng mga pangyayari mula ng ikasal,
hanggang sa nag- diborsiyo kayo ng asawa mong hapon.
7. Apato no chintaishaku keiyakusho (rent contract ng tinitirahan mo)
8. Chokin tsucho utsushi
Kung meron kang savings sa bangko, xerox copy ng bankbook mo
9. Mimotohoshosho=sulat galing sa iyong Personal Guarantor
Mga kailangan isubmit ng iyong personal guarantor:
>zaishoku shomeisho (employment certificate)
>juminzei no kazei ・nozeishomeisho
(residence taxation・tax payment certificate)
>Juminhiyo (residence registry)
* yan ay ilan lang sa mga basic requirements na kailangan ipasa.
Depende sa situasyon, maari pang hanapan ng karagdagan na dokumento.
Hanggang dito na lang...
Salamat po sa pagbasa.
God bless! ๐

ReplyDelete250/5000
Ang astrolohiya mao ang labing maayong butang alang sa kinabuhi. Kini mao ang yawe sa tanang matang sa mga problema sa kinabuhi. Kon adunay bisan kinsa nga tawo nga adunay mga problema sa kinabuhi unya siya kinahanglan nga makigtagbo uban sa labing maayo nga astrolohiya nga espesyalista sa City nga nakig-kontak sa Templeofanswer@hotmail.co. uk / + 234 (815) 542-5481