My japanese small fishes Medaka
Hello, Konnichiwa, Magandang araw po.
Mainit ang sikat ng araw kaya naisip kong trabajuhin ang fish pond. Inalis ko ang mga natuyong halaman sa loob. Mainit sa tanghali, pero malamig pa din pagka gabi.
Sa awa ng Diyos, naka-survive ng winter season ang mga medaka. Bago-bago pa lang ako nag-aalaga ng mga isdang ito kaya pinag-aaralan ko pa kung papaano sila dadami at mabubuhay. Yong nasa loob ng tubig na water plant ay naka-survive naman ng lamig. Binanlawan ko sila para matangal ang lumot na nakadikit.
Nung naalis na ang mga natuyong waterplants sa ibabaw, masayang lumangoy sa ibabaw ang mga isda, minsan ay tumatalon pa. Para bang nag-exercise mula sa matagal na pagkakulob sa ilalim ng mga halaman.
Comments
Post a Comment