Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal




Kung nagpakasal ang isang tao habang meron siyang unang kasal na may bisa pa, pwede siyang kasuhan ng BIGAMY. 


Ang bigaymy ay isang criminal offense kung saan pinaparusahan ang pagpapakasal ng ikalawang beses na hindi napapawalang bisa ang unang kasal sa isang annulment case. 


Ito ay nakasaad sa Article 349 ng Revised Penal Code:

"the penalty of prison mayor (from six years and one day to twelve years) shall be imposed upon any person who shall contract a second or subsequent marriage before the former marriage has been legally dissolved, or before the former marriage has been legally dissolved, or before the absent spouse has been declared presumptively dead by means of a judgment rendered in the proper proceedings."


Ito ay isang public crime kung saan ang gobierno either through NSO o iba pang ahensya ng gobierno ang nagsasampa ng kaso kahit hindi magsampa ng kaso ang una o ikalawang asawa o kahit wala silang kooperasyon o prima sa complaint. 

Pinaparusahaan ito dahil nakakagulo ito sa civil status ng mga tao at nagugulo ang record ng marriage ng gobierno. 

Iba ito sa adultery at concubinage kung saan sila ay private crimes na hindi maiisampa kung walang kooperasyon ang asawang nasaktan.




para sa karagdagan pagbabasa...

https://e-lawyersonline.com






Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa