Lumiliit na Working Age Population ng Japan


Japan, mabilis na dumadami ang matatanda kaysa sa working age population 


Ang working age population (seisan nenrei jinko) ay ang bilang ng aktibong manggagawa na mga hapones. Ang edad ng working age population ng Japan ay mula 15~64 years old. Noong 2015 survey, bumaba sa 77.28 milyon ang bilang nila. Upang mapanatili at mapadami sa 100 Milyon ang working age population, nagsagawa ng reporma ang gobierno sa sistema ng pagtatrabaho at pag-employ ng manggagawa na tinawag na "Hatarakikata Kaikaku".

Dahil sa kakulangan ng manggagawa, malaking porsiento ng working age population ang nakiki-parte sa mahabang oras ng overtime. Madami ang nagkakasakit sa puso, utak, pagiisip at iba pa dahil sa mahabang oras ng overtime at hindi magandang condition ng trabajo na natutuloy sa pagpapatiwakal at pagkamatay ng manggagawa. Ayon sa survey, ang trabajo sa delivery at transport services, ang nagkakasakit sa puso at utak ay 34~38%. Ang trabajo sa Factory (18%), Hospital & Welfare(16%), Special Skilled, Technical Skilled at Professional (23%) ang nagkakasakit sa pagiisip o mental illness.

Ayon sa Labor Law, ang aprobadong oras ng overtime sa isang buwan ay 45 oras, at sa isang taon ay 360 hours. Pero may tinatawag na "Special Clause" ang labor law na pinapayagan mag-overtime ng hindi lalampas sa 100 oras sa loob ng isang buwan, o humigit kumulang na 80 hours sa loob ng 2~6 na buwan. 

Ang pasweldo sa hindi regular employee ay 60% lamang ng regular. At 40% ng working age populasyon ang hindi regular employee. Dahil dito, namimili na ng trabajo ang mga manggagawa. Humahanap ng trabajo na malaki ang sweldo o mas kaunti ang oras ng trabajo at iba pa kaya hindi nailalabas ng manggagawa ang lubos na productivity.  Sa kabilang dako, ang mga nagpapalaki ng anak at nag-caregive ng disabled na magulang ay mahirap sumali sa grupo ng regular employment dahil sa limitadong oras. Inaamin ng gobierno na dumating na ang panahon para ayusin ang nadedeporma na style ng pagtatrabajo ng working age population ng Japan. 

Ang layunin ng reporma ay pagandahin ang style ng pagtatrabajo upang mabawasan ang pressure ng mga manggagawa, maibalik at mapanatili ang 100 milyon na working age population hanggang 50 years o higit pa.

Upang madagdagan ang populasyon ng manggagawa sa kasalukuyan henerasyon, inisip din na itaas ang retirement age, supportahan ang mga matatanda at kababaihan na walang trabajo na makahanap ng mapapasukan o work at home at suportahan ang pagdami ng birthrate. Sa kasalukuyan, 60% ng 65 years old ~ ang nais pang magtrabajo subalit hindi makahanap ng mapapasukan.

Ang pagpapabuti ng kondisyon ng trabajo ay hindi lamang para sa kabutihan ng manggagawa at ng mga kumpanya kundi para na rin sa kaunlaran ng bansang Japan.




Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal