Pagkatapos ng kasal sa Pilipinas ng japanese at pinoy, ano ang kasunod na proceso sa Japan side?
Ang normal na proceso ay i-rehistro ang nangyaring kasal sa pilipinas sa City Hall (shiyakusho) sa Japan... O kaya i-submit sa Japan Embassy/Consulate sa Pilipinas ang dokumento ng kasal. Ang palugit na panahon sa pag-pasa ng dokumento ay 3 buwan mula sa araw ng kasal. Mga kailangan papeles: ◆ Application form ◆ Japanese seal (inkan o hanko) ◆ Driver's License o kahit anong identification card na magpapatunay ng pagkatao ◆ Marriage Certificate , isang (1) kopia at ang translation nito sa nihongo ◆ Birth Certificate ng Pilipinong asawa at ang translation nito sa nihongo. Kinakailangan na authenticated ng City Hall o ng NSO, alin man sa dalawa.