Posts

Showing posts from March, 2018

Payo ng Buhay

Image
๐ŸŽ• Ngayon ang araw na matututunan mo ang sekreto ng buhay ๐ŸŽ• Ngayon ang araw upang simulan gumawa ng masaya at kapakipakinabang na buhay. Ano ang pakiramdam mo ngayon? Masama ba ang loob mo? Ano ang kasalukuyan mong damdamin? Ano ang biglang pumasok sa isipan mo? Sabi ng iba, ang buhay ay puno ng kalungkutan. Pero hindi buhay ang puno ng kalungkutan, kundi ang iyong isipan. Huwag sayanggin ang oras sa pagreklamo ng iyong limitasyon, ng iyong mapait na relasyon, ng iyong problema, sakit, kahirapan, at iba pa. Habang binibigkas mo palagi ang iyong problema, mas lalo itong kumakapit sa iyo. Huwag manisi ang ibang tao tungkol sa iyong problema. Ito din ay isang pagsasayang ng oras.  ๐ŸŒน Salamat po sa pagbasa.

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Hi.  ๐Ÿ˜‡ Naisip ko lang, gaano kaya karaming tao ang marunong magsalita ng wikang Filipino (Tagalog). Ano nga ba ang pagkakaiba ng Filipino at Tagalog. Sa simpleng explanasyon... Noong 1937, upang maging isa ang buong Pilipinas sa wika at diwa, gumawa ng Pambansang Wika ang gobierno. At Tagalog ang napiling Pambansang Wika na tinawag na PILIPINO. Pilipino = Tagalog Tagalog ang  native  language  sa dakong South ng Pilipinas,  At naging  second language sa lahat ng isla sa Pilipinas.  Noong 1987, naging FILIPINO ang Pilipino. FILIPINO na ang tawag sa Pambansang Wika. Ang pagkakaiba, nadagdagan ang alpabeto ng abakadang Pilipino. Naging moderno.    Gaano kadami ang marunong mag-Filipino (Tagalog)? Ayon sa survey,  24.2 milyon  katao ang nagsasalita ng Filipino bilang native language,   mother tongue   o   first language . At  65 milyon  katao ang nagsasalita bilan...

ใƒ™ใƒ†ใ‚ฃใซไผšใ„ใŸใ„ ✧♡

Image
ๆˆ‘ใŒๆ„›ใ‚‰ใ—ใ„ๆ„›็Šฌใงใ™。 Bettyใจใ„ใ„ใพใ™。 ้‡Œ่ฆชๆŽขใ—ใฎใ‚คใƒ™ใƒณใƒˆใงๅ‡บไผšใฃใฆ、 ใฒใจใ‚ใผใ‚Œใ—、ๆŠฝ้ธใ‚’ๅฝ“ใŸใฃใฆ、 ๅฌ‰ใ—ใใฆใปใฃใบใŸใŒ่ฝใกใŸ。 15ๅนด้–“, ๆˆ‘ใŒๅฎถใซ、 ใƒใƒƒใƒ”ใƒผใƒใ‚นใ‚’ไธŽใˆใฆใใ‚ŒใŸใฒใณใ‚’、 ๅฟ˜ใ‚Œใชใ„。 ็งใฏๆ—ฅๆœฌใซๆฅใฆ、ใ‚ใชใŸใฏๅˆใ‚ใฆใฎๆ„›็Šฌใ ใ‚ˆ。ไปŠใ‚‚ไป–ใฎ็Šฌใ‚’้ฃผใฃใฆใ„ใชใ„ใ‚ˆ。 ๅฏ‚ใ—ใ„ๆ™‚、ๅฌ‰ใ—ใ„ๆ™‚、ใ‚ใชใŸใฏใ„ใคใ‚‚ใใฐใซใ„ใ‚‹ใ‚ˆใญ。 ใ‚ใชใŸใฎใใฎ็›ฎใซๆ„›ๆƒ…ใฏใ„ใฃใฑใ„ๆ„Ÿใ˜ใŸใ‚ˆ。 ใ•ใฟใ—ใ„ใ‚ˆ。ใ‚ใ„ใŸใ„ใ‚ˆ。๐Ÿ˜ญ ๆŽƒ้™คใฎๆ™‚ใงใ‚‚、็งใฎใใฐใซใ„ใ‚‹ใ‚ˆใญ。

Japan ang pinakamaraming Jinzai Haken Gaisha sa buong Mundo

Image
Nasubukan mo na magregister at magtrabaho sa Jinzaihakengaisha?  Alamin natin ang ibig sabihin ng " Jinzai Haken Gaisha ". Jinzai =human resource (tao) Haken =temporary employment   (trabaho) Gaisha/Kaisha =company (kumpanya) Jinzaihaken = temporary staff (pansamantalang tauhan) Jinzaihakengaisha= temporary staffing company or agency Sa makabagong salita, "Outsourcing" company Kadalasan "Hakengaisha o Haken" ang shortcut na tawag.  Sa kasalukuyan panahon, maraming Hakengaisha sa Japan. At ayon sa survey, Japan ang may pinakamaraming Hakengaisha sa buong mundo, mas marami pa kaysa sa USA. Jinzaihakengaisha ......  Japan ...vs... America Bilang ng Kumpanya...................... 66,690 ................. 13,910 Sangay/branches .........................   82,658 ................. 32,932 Hakengaisha#of staffs.................. 185,000 ............... 191,592 (Chart 1) Maraming japanese (banyaga din) ang nagtatrabaho sa Hakengaisha. ...

Kaugalian sa Japan kapag dadalo ng Kasal

Image
Kasal ng Hapon OIWAIKIN, regalo na pera (ใŠ็ฅใ„้‡‘) Ayon sa kaugalian sa Japan, ang pagbibigay ng regalo na pera, "oiwaikin" ang tawag, sa Kasal ay ipinapadala pagkatanggap ng imbitasyon. Subalit dahil nagbabago na ang style ng Kasal at wedding party(hirouen) sa kasalukuyan panahon, ang pagbibigay ng o-iwai-kin ay inaayon sa situasyon. Shugibukuro ๅพก็ฅ Halaga ng Oiwaikin  Ayon sa karamihan, ang pinakamababang oiwaikin ay 20,000 yen. Nagbabago ang halaga ng oiwaikin depende sa relasyon ng bisita sa ikakasal. Inilalagay ang oiwaikin sa sobre na ang tawag ay "shugibukuro". Para sa mga hapon, may ibig sabihin ang mga numero. Kapag Kasal, ang oiwaikin ay binabase sa odd numbers tulad ng 1, 3, 5, 7 para daw hindi mag-breakup o maghiwalay. Pero kahit even numbers na 2, 8, 10, 12 ay pwede naman, yon nga lang ay iniiwasan ng karamihan. Mas bawal ang numbero na 4 at 9 dahil ang "4" ay nagpapahiwatig ng kamatayan (shi, ๆญป) at ang "9" ay napapahiwa...

Mga Uri ng Japanese Naturalization

Ano sa nihongo ang Japanese Naturalization? "Kika (ๅธฐๅŒ–)" po. Marami-rami na din pilipino, na may stable na pamumuhay dito sa Japan, ang nagpa-Japanese Naturalization. Sino-sinong pilipino ang nagpapa-Japanese Naturalization? ・Andiyan ang mga kasal sa japanese na may mga anak na japanese citizen. ・Andiyan ang half filipino na hindi agad nai-register ang kanilang kapanganakan sa Family Registry (Kosekitohon) ng ama o ina na japanese. ・Andiyan ang third generation japanese (sanze), ang lola o lolo ay nihonjin. ・Andiyan ang mga filipino migrant workers na nakapag-pundar na ng maunlad na kabuhayan dito sa Japan. (case by case) Alam kong marami pa din filipino ang interesado magpa-japanese naturalization. May nababasa ako na nagsasabi na mas madali pa ang magpa-naturalization kaysa magpa-permanent resident. Kanya-kanyang haka-haka po yan. Kung aktual na gagawin, pareho mabusisi sa papeles, oras at pera. Pero kung hindi susubukan, hindi makakamit ang layunin. Ano ang mang...

Mga Henerasyon ng mga ipinanganak at lumaki sa Japan

Image
Naiitanong ko lang kung saan ako kabilang na henerasyon sa komunidad ng Japan ๐Ÿ˜ Henerasyon: Showa hitoketa sedai ( Showa 1 digit ) Kapanganakan: 1927-1934    Edad Ngayon: 83-90 years old Takbo ng Kapanahunan: Krisis ng Ekonomiya sa Buong Mundo (World Depression/Sekai kyoko) Henerasyon:  Yakeato sedai (i sinilang noong gera)   Kapanganakan: 1935-1946   Edad Ngayon: 71-82 years old. Takbo ng Kapanahunan:   Katapusan ng Digmaan Pangdaigdig (End of WWII/Dainiji sekai taisen shusen) Henerasyon:  Zenkyoto sedai  (nag-rally ang mga estudyante) Kapanganakan: 1941-1949 Edad ngayon: 68-76 years old. Takbo ng Kapanahunan: Panglipunang Protesta laban sa US-Japan Security Treaty (Zenkyoto undo, Anpo toso) Henerasyon:  Dankai no sedai (unang grupo ng b aby boomers) Kapanganakan: 1947-1949 Edad ngayon: 68-70 years old. Takbo ng Kapanahunan: Unang Baby Boomer (Daiichiji Bebi bumu). Madaming ipinanganak. Henerasy...

Lumiliit na Working Age Population ng Japan

Japan, mabilis na dumadami ang matatanda kaysa sa working age population  A ng working age population (seisan nenrei jinko) ay ang bilang ng aktibong manggagawa na mga hapones.  Ang edad ng working age population ng Japan ay mula 15~64 years old.  Noong 2015 survey, bumaba sa 77.28 milyon ang bilang nila. Upang mapanatili at mapadami sa 100 Milyon ang working age population, nagsagawa ng reporma ang gobierno sa sistema ng pagtatrabaho at pag-employ ng manggagawa na tinawag na "Hatarakikata Kaikaku". Dahil sa kakulangan ng manggagawa, malaking porsiento ng working age population ang nakiki-parte sa mahabang oras ng overtime. Madami ang nagkakasakit sa puso, utak, pagiisip at iba pa dahil sa mahabang oras ng overtime at hindi magandang condition ng trabajo na natutuloy sa pagpapatiwakal at pagkamatay ng manggagawa. Ayon sa survey, ang trabajo sa delivery at transport services, ang nagkakasakit sa puso at utak ay 34~38%. Ang trabajo sa Factory (18%), Hospital & We...

My japanese small fishes Medaka

Image
Hello, Konnichiwa, Magandang araw po. Mainit ang sikat ng araw kaya naisip kong trabajuhin ang fish pond. Inalis ko ang mga natuyong halaman sa loob. Mainit sa tanghali, pero malamig pa din pagka gabi. Sa awa ng Diyos, naka-survive ng winter season ang mga medaka. Bago-bago pa lang ako nag-aalaga ng mga isdang ito kaya pinag-aaralan ko pa kung papaano sila dadami at mabubuhay. Yong nasa loob ng tubig na water plant ay naka-survive naman ng lamig. Binanlawan ko sila para matangal ang lumot na nakadikit. Nung naalis na ang mga natuyong waterplants sa ibabaw, masayang lumangoy sa ibabaw ang mga isda, minsan ay tumatalon pa. Para bang nag-exercise mula sa matagal na pagkakulob sa ilalim ng mga halaman.