Special Permission to Stay in Japan (Zairyu Tokubetsu Kyoka)

Tanong: Ano ang mga batayan sa pagkakaloob ng Special Permission to Stay?
Sagot:  Walang batayan sa pagkakaloob ng special permission to stay.
            Ang Ministry of Justice ay nagkakaloob ng special permission to stay sa banyaga na napasailalim sa isa sa mga condition na nakasaad sa Article 24 ng Immigration Control Act at dapat na ma-deport mula Japan.  Sa ganitong kaso, ang Ministry ay gagawa ng decision at bibigyan ng attention ang maraming bagay, tulad ng dahilan kung bakit ibig manatili sa Japan; violations (klase ng paglabag); ugali; ugnayan pangpamilya; kabuhayan; katayuan sa tahanan at sa kabilang bansa; at  iba pang posibleng dahilan para mabigyan / hindi mabigyan ng permission na mamirmihan. 
             Ang banyaga ay made-deport lamang mula Japan kung sya ay masailalim ng condition na nakasaad sa Article 24 ng Immigration Control Act.  Ang deportation ay naaangkop lamang sa mga banyaga na may negative impacts sa lipunan ng Japan.  Ang banyaga ay made-deport kapag pumasok ng illegal sa Japan; illegal na naninirahan sa Japan; nahatulan ng paglabag sa batas, o nahatulan ng pagkabilango ng mayroon o walang forced labor(sapilitang trabajo) sa loob ng 1 taon o mahigit.

Tanong: Kung nagpakasal sa Japanese citizen, magkakaroon ba ng special permission to stay?
Sagot:  Kahit sa ganitong kaso, maaring hindi mabigyan ng special permission to stay.
             Ang special permission to stay ay especial na pahintulot sa illegal na banyaga na mamirmihan sa Japan kahit na dapat ay ma-deport ito.  Ang pagpapakasal sa Japanese citizen ay hindi sapat na dahilan para mabigyan ng special permission. Magsusuri ng malawak ang immigration  control authority tungkol sa ugali; uri ng pamumuhay; at actual na marital status nito sa Japanese citizen bago mag-decide ang Ministry of Justice na magbigay ng naturang permission.

Tanong: Makakakuha kaya ng special permission to stay kung meron anak?
Sagot:  Sa ganitong kaso, maaaring hindi din makakuha ng special permission to stay.
             Kahit pa magpakasal sa Japanese citizen sa lipunan ng Japan,...meron deretso at stable na buhay pamilya,..o may anak na kadugo ng Japanese citizen, ang mga bagay na ito ay hindi makaka-apekto sa pagbibigay ng decision ng special permision sa aplikante.  Maraming factor ang bibigyan ng pansin sa pagdecision ng pagbibigay ng permission tulad ng aktual na papalaki ng kanyang anak, ugali ng aplikante at condition ng pamumuhay.

Tanong: Gaano katagal bago makuha ng special permission to stay pagka-file ng application?
Sagot: Ang special permission to stay ay hindi application-based na permission.
            Pagkatapos ng ilang processo (pag imbistiga ng violation, pageexamine ng immigration inspector, at pagsisiyasat ng harapan), ang Ministry of Justice ay magbibigay ng naturang special permission sa banyaga na made-deport ngunit may intention pa na manirahan sa Japan.
             Maraming banyaga ang humihingi ng special permission to stay. Iba't-iba ang circumstances ng bawat aplikante sa isa't-isa. Kailangan ng immigration control authority ang maingat na examination on a case-by-case basis. Sa ibang kaso, kailangan ng maingat na attention sa family status ng kada aplikante. Dahil dito, hindi maaring masabi kung gaano katagal ang aabutin nito.

Tanong: Hindi ba salungat sa humanitarian principles ang deportation?
Sagot: Maraming illegal na banyaga ang naninirahan sa Japan na alam na ang illegal na pagpasok at   illegal na paninirahan ay labag sa batas.  Dahil dito, nagdudulot sila ng negative impacts sa public security ng Japan, humaharap ngayon ang Japan ng malaking problema ng illegal na residente. Kung mapatunayan na ang banyaga ay hindi kanais-nais sa lipunan ng Japan, ide-deport ang banyaga na yon ayon sa ilang pamamaraan at naglalayon ng patas na immigration control.  Sa ganitong dahilan, ang deportation ay hindi sumasalungat sa humanitarian principles. Malinaw na sinasabi ng batas na ang sino man banyaga na hindi kanais-nais sa lipunan ay sapilitan ide-deport mula Japan, ang immigration control authority ay nagde-deport sangayon sa mahigpit na patakaran.

      
    

Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal