Kung ang banyaga ay na-deport o kaya napaalis ng Japan ng may departure order, pwede pa ba bumalik?


Kapag ang banyaga ay na-deport or napa-alis ng Japan sa pamamagitan ng departure order, ang banyagang yon, ayon sa tuntunin, ay hindi makabalik ulit ng Japan sa mahabang panahon (ang tawag ay landing denial period) ayun sa batas ng Immigration Control Act.

Ang sumusunod na alituntunin ang paiiralin:
1. Ang mga tinatawag na REPEATERS, (mga banyagang na-deport na mula Japan o umalis ng Japan  sa pamamagitan ng departure order) ay maaring hindi na makabalik ng Japan sa loob ng 10 taon mula sa araw ng deportation.

2. Banyagang na-deport na mula Japan (pwera ang kaso sa #1) maaring hindi makabalik sa loob ng 5 taon mula sa araw ng deportation.

3. Banyagang umalis ng Japan sa pamamagitan ng departure order ay maaring hindi makabalik sa loob ng 1 taon mula sa araw ng pag-alis ng Japan.

    Kung ang banyaga ay nabilango ng meron o walang sapilitan pagtatrabajo, sa asuntong violation ng batas ng Japan at batas na dayuhan,.. o kaya ang banyaga ay nag-serbisyo ayun sa hatol dahil sa pag labag ng batas ng narcotico, marijuana, opium, o stimulant, ang banyagan yon ay hindi na maaring makabalik ng Japan dahil walang landing denial period .

Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal