Illegal stayer sa Japan na nag-surrender sa immigration upang pagpatuloy ng pagtira, may problema pa ba legally?

Maraming banyagang residente sa Japan ang nagtungo sa immigration office para mag-declare ngunit hindi nakauunawa ng kanilang katayuan, "Ang aking legal na problema ay nalutas na dahil pumunta ako sa immigration office para mag voluntary surrender at nag-declare ng aking pagiging illegal stayer".

Kahit pa nag-declare na ang isang banyaga tungkol sa kanyang charges sa immigration office, ayon sa batas, ang status ng pagiging illegal ay hindi agad-agad na mabubura. Sa ganitong kaso, ang banyaga ay meron pa din natitirang problema pagdating sa viewpoint ng batas, pwera na lang kung binigyan na ng special permit ng Ministry of Justice ang kanyang resident status.  

Habang hindi pa nabibigyan ng Special Permit to Reside o habang nagpapasya pa lamang ang  Ministry of Justice, BAWAL ang maghanap-buhay o magtrabajo.  Kung ikaw man ay may trabajo, maaring mahuli ka sa iyong pinapasukan factory o kumpanya.




   

Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal