Pagdalaw at pagbibigay ng regalo sa detainee sa Immigration Detension Center

Tanong:  Anong oras ang bukas ng service counter para bumisita at magbigay ng regalo sa detainee?
Sagot: Ang oras ng bisita ay mula 9:00 am ~ 12:00 pm,... at 1:00 pm ~ 3:00 pm, mula Lunes hanggang Biernes, pwera Sabado, Lingo at Pista Opisyal. May ilan detention center na iba ang oras ng bisita.  Para sa karagdagan inpormasyon, maari lamang na magtanong muna sa detention center bago bumisita.

Tanong: Ano ang kailangan kapag bibisita o magbibigay ng pasalubong sa detainee?
Sagot:  Ang immigration control authority ay nagche-check ng ID. Kung ikaw ay isang Japanese citizen, kailangan dalhin ang driver's license, passport, employee ID, o kahit anong dokumento na may larawan.  Kung ikaw ay isang banyaga, kailangan dalhin ang residence card, special permanent resident certificate, passport o kahit anong dokumento na nagpapatunay ng identity.

Tanong: Maari bang bisitahin ang detainee ng maraming beses sa isang araw?
Sagot: Dahil sa marami ang gustong dumalaw sa detension center para bumisita ng detainee, ang tuntunin ng immigration control authority ay pahintulutan ang dalaw sa detainee ng isang beses sa isang araw lamang, para mabigyan ng pagkakataon ang detainee na makatanggap ng maraming bisita hanggang maari.

Tanong: Gaano katagal ang bisita sa detainee?
Sagot:  Mga 30 minuto ang dalaw sa detainee.  Kapag maraming dalaw ang mga detainees, maaring gawin mas maikli kaysa 30 minuto ang oras ng dalaw para mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng bisita.

Tanong:  Maari bang makausap ang detainee sa telepono?
Sagot: Walang telephone service ang detention center para i-connect ang tawag sa detainee. Ang pwede lang ay bisitahin ang detainee sa detention center o kaya magpadala ng sulat. May ibang detention center na pumapayag na tumawag palabas ng center ang detainee.

Tanong: Kung magbigay ng pangalan ng isang banyaga, sasagutin kaya ng detention center kung ang banyaga na yon ay naka-detain?
Sagot:  Ang detention center ay hindi maaring sumagot ng katanunngan para ma-protektahan ang privacy ng banyaga.

Tanong: Ibig magbigay ng regalo sa detainee. Anong klase ng regalo ang pinagbabawal ibigay sa detainee?
Sagot: Para sa security at kalinisan, karamihan ng detention center ay nagbabawal ng pagkain na kinakailangan lutuin pa o pagkain na madaling masira.  Para sa karagdagan inpormasyon, magtanong lamang sa tagapangasiwa sa detention center.

Tanong: Pwede ba akong magbigay sa detainee ng ticket ng eroplano para papauwi nya ng kanyang bansa?
Sagot: Maaring mag-expire ang ticket ng eroplano kung matatagalan pa ang processo ng deportation. Kung ibig magbigay ng ganyang regalo, maari lamang na magtanong sa tagapangasiwa ng detention center sa maagang panahon.

Tanong: Gaano karaming bagahe ang maari ibigay sa detainee?
Sagot: Maraming airliner ang payag na magbitbit ng bagahe ang pasahero, gayundin checked baggage na hanggang 20 kilos. Kapag lumampas sa condition ng airliner, sisingilin ang pasahero ng karagdagan bayad.  Kaya kung magbibigay ng regalo, bigyan ng attention ang laki at timbang ng bagahe. Mas mainam na magbigay ng regalo na maliit lamang.

Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal