Departure order

Tanong: Ano ang "Departure order" na sistema?
Sagot:  Ang departure order na sistema ay naaangkop sa illegal na residenteng dayuhan na nagsatisfy ng mga conditions. Sa kasalukuyang departure order system, pinapadala ng immigration control authority palabas ng Japan ang mga illegal na dayuhan ng walang kulong, gamit ang simpleng pamamaraan.  Ang departure order system ay angkop sa dayuhan na napasa-ilalim sa alinman conditions na nakasaad sa Article 24-3, Immigration Control Act, applicable ang lahat ng sumusunod na patakaran.

・ Ang dayuhan ay bumisita sa immigration office para mag-voluntary surrender, sa pagnanais na umalis agad ang Japan;
・ Ang dayuhan ay hindi sakop ng conditions ng deportation, maliban sa illegal na pagtira;
・ Ang dayuhan ay hindi nahatulan ng pagka-bilibid na mayroon / walang sapilitang trabajo, sa salang pagnanakaw simula pagpasok ng Japan;
・ Ang dayuhan ay hindi kailanman na-deport mula Japan o hindi kailanman lumisan ng Japan sa pamamagitan ng departure order; at
・ Ang banyaga ay siguradong aalis agad ng Japan.

Tanong: Saan kailangan pumunta para makakuha ng "departure order"?
Sagot: 8 ang regional immigration bureaus (Sapporo, Sendai, Tokyo, Nagoya, Osaka, Hiroshima, Takamatsu at Kukuoka). 3 ang district immigration office (Yokohama, Kobe at Naha) at isang branch office (Kagoshima) ang nag-eexamine ng dayuhan na voluntariong sumuko sa immigration office. Maari lamang na bisitahin ang isa sa mga immigration offices na ito.
             Kung ika'y bumisita sa ibang sangay ng immigration office maliban sa nasabi sa itaas, nang weekdays office hours, ang sangay na yon ay magpapadala ng appearance confirmation slip, at magbibigay ng instruction kung saan at kailan dapat bisitahin ang regional immigration office na in charge sa pag-imbistiga ng violation.

Tanong: Pwede ba sumuko sa immigration office sa airport kung saan nais lumabas ng Japan?
Sagot: Kung sa airport immigration office bibisita, magbibigay doon ng appearance confirmation slip.  Yon nga lang, ang proseso ng pagiimbistiga ng violation ay maaring magtagal, kaya maaring hindi maka-alis agad ng japan sa araw ng pagbisita sa immigration office sa airport.  Kaya kung bibig umalis gamit ang departure order, kailangan dumaan sa kinakailangan proseso, sa maagang panahon, sa alinman 8 regional immigration bureau (Sapporo, Sendai, Tokyo, Nagoya, Osaka, Hiroshima, Takamatsu, and Fukuoka), 3 district immigration office (Yokohama, Kobe and Naha) at isang branch office (Kagoshima).

Tanong: Gaano katagal ang panahon na aabutin para makakuha ng departure order pag-tapos bumisita sa immigration office?
Sagot: Depende sa conditions ng dayuhan na nagpakita sa immigration bureau (halimbawa, may passport ba sya o wala).  Kadalasan, aabutin ng mga 2 lingo para mabigyan ng departure order pagkatapos magpakita  sa immigration office. Kaya bigyan ng attention ang haba ng panahon kapag kukuha ng flight reservation.

Tanong: Ang dayuhan ay hindi na-deport kailanman mula Japan pero naaresto sa kasong illegal stay. Sa ganitong kaso, applicable ba ang "departure order system" sa dayuhan na yon?
Sagot:  Ang departure order ay para lamang sa mga dayuhan na kusang nagtungko sa immigration office para sumuko.  Hindi ipinagkakaloob ang departure order sa dayuhan na na-arresto sa kasong illegal stay.

Tanong: Ang dayuhan ay pumasok ng Japan gamit ang pekeng passport at tumira sa Japan ng illegal. Kung ang dayuhan na ito ay kusang sumuko sa immigration bureau, applicable ba ang "daparture order system"?
Sagot: Ang pagpasok ng Japan gamit ang pekeng passport ay nangangahulugan ng illegal entry sa Japan.  Sa ganitong kaso, ang ganyang dayuhan ay ide-deport mula Japan sa kasong paghihinala bilang illegal entry sa Japan.

 Tanong: Ang dayuhan ay lumisan ng Japan gamit ang departure order. Pagkalipas ng panahon na nakasaad sa "landing denial period", ang dayuhan na yon ay bumalik  muli ng Japan at nag-umpisang mamuhay ng illegal.  Sa ganitong kaso, applicable ba ulit ang "daparture order system" sa dayuhan na yon?
Sagot: Ang departure order system ay para lamang sa mga dayuhan na kailanman ay hindi pa na-deport mula Japan o kailanman ay hindi pa nakagamit ng departure order sa paglabas ng Japan.  Sa ganitong halimbawa, ang departure order system ay hindi applicable dahil maituturing na din na nai-deport ang dayuhan na yon mula Japan.

Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal