Para sa iyong kapakanan sa panahon ng pagdadalangtao

Siguraduhin ipaalam ang iyong pagbubuntis sa maagang panahon!
  • Maari lamang na ipaalam sa municipal office(shiyakusho) ang iyong pagdadalangtao sa pinaka-maagang panahon ng kompirmasyon.
  • Sa municpal office, bibigyan ka ng BOSHI KENKOU TECHO (Maternal and child Health Handbook) at makakatanggap ka ng health checkup tickets na magagamit mo para sa health checkups ng pagbubuntis na gastos ng gobierno.  Makakagamit ka din ng counseling services na may public health nurses, mothers'/parents' classes at marami pang serbisyo pang impormasyon.
Alalahanin lagi na magpa-check up ang nagdadalangtao!
  • Kailangan mong bigyan ng espesyal na attention sa iyong kalusugan sa panahon ng pagdadalangtao.
  • Maari lamang na sumailalim ng health check up sa medical institution kahit man lamang 1 beses sa isang buwan (kahit man lamang 2 beses sa isang buwan pagkaraan ng ika-24 weeks ng pagbubuntis; at 1 beses sa isang lingo pagkaraan ng ika-36 weeks).
Ano ang health checkup para sa nagdadalangtao?
  • Yan ay examination ng kalusugan, kasama ang physical examination, blood tests, blood pressure measurement at urine test, para ma-check ang kalusugan ng nagdadalangtao at ang paglaki ng sanggol sa sinapupunan.
  • Mga sakit tulad ng anemia, hypertension sa pagbubuntis, at diabetes sa pagbubuntis ay malamang na makaka-apekto sa paglaki ng sanggol sa sinapupunan at makasira sa kalusugan ng ina.
  • Sa pagsasailalim ng health checkup ng pagbubuntis, maari mong matuklasan ang ano mang sakit at makakuha agad ng karapatdapat na medical attention sa maagang panahon.

Maternity Mark 







Ang Ministry of Health, Labour and Welfare
ay nagpo-promote ng likhain na pregnancy-friendly environment sa pamamagitan ng Maternity Mark na sistema. 










Mga karamdaman na nangangailangan ng pansin!

Kumonsulta agad sa doctor pag napansin ang mga sumusunod na karamdaman: 
  • Pamamaga (mukumi)
  • Pagdudugo ng ari (seikishuketsu)
  • Pananakit ng tiyan (fukutsu)
  • Lagnat/sinat (hatsunetsu)
  • Pagtatae (geri)
  • Pagkahilo (memai)
  • Pagsusuka (hakike)
  • Sobrang pagka-balisa(fuankan)
  • Sobrang tigas ng tae (benpi)
  • Unusual viginal discharge (orimono)
  • Sobrang sakit ng ulo (tsuyoi zutsu)
  • Sobrang panghihina dahil sa umagang pagsusuka (tsuwari)
  • Madaling ma-irita (iraira)
  • Sobrang bilis ng tibok (hageshi douki)
  • pagkawala ng galaw ng nabubuong sanggol (taido wo kanjinakunatta)


Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal