Palala kung lalabas ng bansang Japan!

Kung balak pumasok muli ng Japan sa loob ng isang (1) taon, (dalawang (2) taon para sa special permanent resident), kinakailangan na ipakita mo ang iyong "Resident Card" o "Alien Registration Card" at sabihin sa immigration officer palabas na papasok ka ulit ng Japan.  Kapag hindi mo ipinakita ang iyong intention na papasok ulit ng Japan sa pamamagitan ng Embarkation/Disembarkation(ED) card, ang iyong kasalukuyang visa ay mawawalan ng kabuluhan.
Special Re-entry Permit ang tawag sa ganitong pamamaraan, na ang gamit ay Embarkation/Disembarkation card.

Tandaan:
※  Kung ang natitirang araw ng hawak mong visa ay mauubos sa loob ng isang (1) taon,  mula sa araw ng pag-labas ng Japan, siguraduhin lamang na makabalik ng Japan bago maubos ang natitirang araw ng iyong pagtira/visa.

  Kung balak mong lumabas ng Japan ng mahigit pa sa isang (1) taon, (dalawang (2) taon para sa mga special permanent residents), kinakailangan meron kang RE-ENTRY PERMIT, kaya kumuha muna ng permit na ito ng maaga sa immigration office bago lumabas ng Japan.
Ang RE-ENTRY PERMIT ay may kabuluhan/validity ng hanggang limang (5) taon, (para naman sa mga special permanent residents hanggang anim (6) na taon), o hanggang sa abot ng iyong natitirang araw ng pagtira/visa.

Kapag lumbas ka ng Japan gamit ang Special Re-entry Permit, hindi pwedeng i-extend ang permit na ito habang ikaw ay nasa ibang bansa. 
    
     Mga kailangang i-handang dokumento sa pag-aapply ng RE-ENTRY PERMIT:
      1. Nalagdaan na RE-ENTRY PERMIT application form.
      2. Student ID card (sa mga estudyante)
      3. Passport
      4. Alien registration card o Resident card
      5. Pambayad.
              Para sa single re-entry permit 3,000 japanese yen.
              Para sa multiple re-entry permit 6,000 japanese yen.

※ Isangguni muna mabuti sa Immigration Office kung sakaling hindi ka sigurado na ikaw nga ba ay karapat-dapat, o kung ikaw nga ba ay may karapatan lumabas ng Japan sa pamamagitan ng Special Re-entry Permit.




Para sa detalye, http://cjlc.doshisha.ac.jp/english/img/news/2012/1107_e.pdf










Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal