Lumabas ng Japan ng walang RE-ENTRY permit, hindi nakabalik sa loob ng isang taon, ano epekto nito?

Lahat ng banyaga na may valid passport at resident card sa japan ay maaring lumabas at bumalik ng japan upang ipagpatuloy ang kanilang paninirahan sa pamamagitan ng Special Re-entry Permit,  ito ay walang bayad.  Siguraduhin lamang na ipakita ang resident card at i-mark/check ang kudradong box sa kaliwang ibabaw ng ED card bilang pagpapatunay ng intention na lumbas ng Japan sa pamamagitan ng Special Re-entry Permit.  Habang nasa ibang bansa, hindi pwedeng i-extend ang Special Re-entry permit na yan at mawawala ang status of residency sa japan kapag hindi nakabalik sa loob ng isang taon.

Ang Re-entry Permit naman na may bayad na 3,000 yen para sa single permit at 6,000 yen para sa multiple permit ay nabago din ang validity period.  Dati-rati 3 taon ang validity nito, pero sa bagong implementation (July 9th, 2012.), magiging 5 taon na ang validity.



http://www.immi-moj.go.jp/newimmiact_1/en/point_3-4.html
http://www.immi-moj.go.jp/english/tetuduki/kanri/shyorui/06.html

Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal