Kapag nag-Divorce ang japanese at gaijin na mag-asawa, ano ang mangyayari sa Resident Status dito sa japan (kapag wala silang anak)
Kung ang kasalukuyang resident status ay [ Spouse of Japanese National visa, haigusha visa], pag nag-divorce sila ng asawang japanese ang Resident Status na [Spouse of Japanese National visa] ay practically mawawala. At kung wala syang anak sa japanese na inaalagan, o anak nila na namatay at nakalibing sa japan, mahirap ang magpalit sa [Long Term visa].
Kailangan pag-aralan mabuti kung ano ba ang nararapat na kapalit na Resident status para makatira ng tuluyan sa japan.
Ang application ng pagpapalit ng Resident Status ay ginagawa sa Immigration Office sa city na tinitirahan.
Maaring palitan ang Spouse visa ng:
1. Investor/Business Manager visa, bale magtatayo ka ng sarili mong negosyo, pero kailangan mag-hire ng at least 2 employee.
2. Specialist in Humanities/International Services, kailangan dito ay meron kang special skill o knowledge sa applied arts and sciences tulad ng translator, foreign language teacher, designer, trader, and the like.
3. Long Term Resident, normally ang visa na ito ay ibinibigay lamang sa mga 2nd & 3rd generation japanese decent. Pero marami ang gustong manirahan pa din sa japan pagka-divorce o pagka-balo(pagkamatay ng kabiyak) , ngunit ang pagbibigay ng approval dito ay case-by-case basis, depende sa nilalaman ng residence status change application.
Importante na meron mag-guarantor sa iyo dito sa japan.
Ang guarantor ay kailangan mag-submit ang papeles tungkol sa trabajo at tax standing nya.
Kung employee ang tatayong guarantor, kailangan mag-submit ng residence tax certificate, statement of earnings/income tax certificate, etc.
Kung self employed o may sariling business, kailangan i-submit ang Certified copy of Commercial Registration ng business, Certificate of Tax payment, Tax return, etc.
Kung nahihirapan sa paglipon ng papeles, mas makakabuti na lumapit sa isang immigration gyoseisoshi o bengoshi para sila ang mag-ayos ng lahat ng papeles na kailangan i-submit sa immigration.
Comments
Post a Comment