Ano ang mga kailangan para makapag-trabajo sa Japan?

Para makapagtrabajo ng legal sa Japan, kinakailangan meron valid visa certification.
Ang may hawak ng cultural visa, short term visa, college student visa, trainee visa o foreign family visa ay hindi pinapayagan magtrabajo. 
Subalit, ang mga banyaga na may hawak na college student visa o foreign family visa ay pwedeng  mag-apply sa Local Immigration Bureau ng Ministry of Justice ng permit para maka-trabajo . May limitation ang oras ng pagtatarabajo.
Ang mga may hawak ng work visas ay kinakailangan din kumuha ng karagdagan permit kung nais nila mag-part time sa ibang company, maliban pa sa pinapasukan na company.

Ang mga banyaga naninirahan sa Japan ay eligible gumawa ng activity na originally naka-sulat sa kanilang visa. Ngunit, kung gusto nilang gumawa ng iba pang activity na tatanggap ng sweldo o kikita ng pera ay kinakailangan muna humingi ng permission sa Immigration Bureau.

Halimbawa, Student visa, ang main purpose nito ay mag-aral at hindi mag-trabajo.
Pero pwede mag-apply ng permit para mag-trabajo, may limit ang oras at hindi dapat makahadlang sa pag-aaral ang pagtatrabajo.

Ang mga uri ng visa na nangangailangan ng permiso magtrabajo:
   ▶ Students (Resident Status: College-student visa)
      Day and hours flexible (28 hours or less per week)
      Students are allowed to work up to 8 hours a day during extended vacation periods

   ▶ Family (Resident Status: Foreign family visa)
      Day and hours flexible (28 hours or less per week)

   ▶ Other visa holders who wish to conduct work outside of their original permitted activities should
consult with the Immigration Bureau individually.

Paalala:
Ang mga nabigyan ng special-activity work permit ay hindi pinapayaan mag-trabajo sa "snacks", "pubs", pachinko parlors" at iba pang entertainment & amusement businesses.

Kapag walang hawak na Certificate of Permission to Work, o pinagtrabajo ng hindi naayon sa nakasulat sa guideline ng Certificate, yan ay labag sa batas at ang employer ay makukulong ng humigit kumulang ng 3 taon at multang 3 milyon yen.

Ang mga may hawak ng College student visa na nagtrabajo ng walang valid permit ay maaring mamultahan ng hanggang 2 milyon yen at isang taon na pagka-bilango.






Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal