Magkano kaya ang kailangan halaga upang mag-umpisa ng solo na pamumuhay sa Japan?

Sa mga gustong mag-solo ng tirahan,  importanteng paghandaan at pag-ipunan ng mabuti ang planong ito upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.
Narito ang mga karaniwan na magagastos sa pagsasarili.
A. Mga unang pagkakagastusan :
1.  Uupahang kwarto.  Halimbawa,  56,000 yen ang isang buwan na renta ng kwarto x 4~ 6 buwan = 224,000 yen ~ 336,000 yen . Sa halagang yan naglalaro ang babayaran sa oras ng pag-kontrata.  Kasama na dito ang Security deposit, Appreciation fee, Real estate broker fee, Fire insurance fee, Advance rental fee, duplication ng susi ng bahay, Cleaning service, etc.
2. Lipat-bahay truck renta, kung maliit ang aarkilahing sasakyan truck maghakot ng gamit,   5,000~8,000 yen +  gasolina/isang hakutan ang halaga.
3. Mga kasangkapan na kailangan sa bagong tirahannaglalaro sa mga halagang  200,000 yen ang maaring magastos sa pagbili ng mga gamit na ito. Pero mas makakamura kung sa recycle shop at 100 yen shop bibili o bigay ng kaibigan.
Electric appliances na kakailanganin: refrigerator , washing machine, tv , rice cooker, microwave, vacumm cleaner, plancha, aircon o electric fan, bumbilya sa kwarto, kalan, atbp.
Furnitures & others na kakailanganin: Kama, bed sheets & unan, mesa, lalagyan ng damit, kortina, towel, kitchen utensils, tablewares, shower items, toilet items, lalagyan ng basura.
4. Parking fee ng sasakyan, depende sa lugar o ciudad ang upa ng parking lot.

B. Mga magagastos pagkalipat sa bagong tirahan:
1. Pagpapakabit ng Telepono at internet mga halagang 20,000 yen
2. Pagpapakabit ng Kuryente, Tubig, Gas, mga halagang 20,000 yen
3. Give away pag mag-aisatsu sa kapitbahay dahil bagong lipat sa lugar, mga halagang 5,000 yen
4. Bayad sa Renta ng buwan sa buwan ng paglipat, halimbawa, 56,000 yen.
5. Renewal ng kontrata ng tirahan, kadalasan isang buwan ng renta ang sinisingil sa oras ng ni-renew ang kontrata.

Halimbawa ng binabayaran gastos kada buwan ng solong pamumuhay:

renta ng bahay
56,000円
kasama na common space fee ng bldg.
tubig
2,300円
fix monthly rate
kuryente
4,000円
pag gamit aircon at heater, mas mataas
gas
2,000円
pag propan gas ,2x ang itataas ng rate.
pagkain
18,000円
kapag sariling luto
transmission fee
8,000円
telepono at internet
at iba pa
25,000円
(pamasahe, pang araw-araw na pangangailangan, insurance, atbp)
total
115,300yen
 
 
Kung gusto pang magtira para sa ipon, dapat ibaba ang gastusin na ito.
Kung meron pang sasalihan na kasal o burol, mas malaki ang magagastos.
Depende sa ciudad na tinitirahan ang halaga ng renta ng bahay sa japan.

Mga halagang 500,000 yen kailangan ihanda sa plano na ito. Mas madaming ipon pera mas comfortable ang pamumuhay.




Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal