Deportation

Tanong: Bakit ikinukulong ng immigration control authority ang isang dayuhan na may deportation order?
Sagot: Kung ang deportation order ay ibinigay sa dayuhan, kailangan pabalikin agad ng immigration control officer ang dayuhan na iyon sa bansang patutunguhan.  Kung imposible na pabalikin agad ang dayuhan, maari ikulong muna ito hanggang sa pwede nang pabalikin.  Ikinukulong ng immigration control authority ang isang dayuhan para makasigurado na nabilango ito bago pabalikin at upang maiwasan gumawa ng anuman aktibidad sa Japan.

Tanong: Ano ang mangyayari sa detainee kung sya ay walang hawak na valid passport?
Sagot: Ang detainee ay maaring mag-request sa Embassy ng kanyang bansa dito sa Japan para mabigyan ng bagong passport. Sa ganitong situation, kailangan mag-submit ng passport application form sa Embassy ng kanyang bansa, sa pamamagitan ng officer sa detention center o sa local na immigration office.

Tanong: Ano ang mga dokumento na kailangan sa pag-apply ng bagong passport? Gaano katagal bago lumabas ang bagong passport?
Sagot: Kada bansa ay may iba't-ibang dokumento at pamamalakad sa pagbibigay ng passport. May bansang matagal magbigay ng passport, at may bansa naman na mabilis.

Tanong: Pansamantalang nakalaya sa detension center at nagnanais na umalis ng Japan sa sarili gastos.  Yon nga lang, hindi nakasakay sa eroplano paalis ng Japan.  Sa ganitong situation, ano ang dapat gawin?
Sagot: Kung ikaw ay may pahintulot na umalis ng Japan sa sarili gastos, ngunit naiwan ng eroplanong sasakyan, at dumating sa airport, maari lamang na bisitahin ang immigration office sa airport para mabigyan ng dapat gawin.  May mga dayuhan na pinapayagan umalis ng Japan sa sariling gastos, na naiwan ng sasakyan eroplano dahil sa matinding karamdaman.  Sa ganitong situation, maari lamang na sumangguni sa immigration officer na nagbigay pahintulot na umalis ng sariling gastos para mabigyan payo ng dapat gawin.

Tanong:  May batayan ng provisional release ?
Sagot: Ang immigration control authority ay walang batayan sa paggawa ng decision ng pansamantalang paglaya.  Kung ang aplikante ay naglalayon ng pansamantalang paglaya, ang director ng immigration center o ang immigration inspector supervisor ay maaring mag-bigay ng pansamantalang paglaya kung sa palagay na kinakailangan gawin yon alang-alang sa kalagayan ng detainee, upang mabigyan ng pansamantalang paglaya kailangan ang pagpapatunay ng yaman at magandang character ng detainee.

Tanong: Anong klaseng conditions ang ilalagay ng immigration control authority sa provisional release?
Sagot:  Maglalagay ng ilang condition ang immigration control authority ukol sa pagtira at aktibidad sa Japan; kinakailangan na bumisita sa immigration office ang detainee;  maitalaga ang araw ng pansamantalang paglaya at iba pang condition depende sa katayuan ng detainee.

Tanong: Papaano ipinapasya ng immigration control authority ang halaga ng guarantee deposit?
Sagot: Ayon sa Article 54 ng Immigration Control Act, ang halaga ng guarantee deposit ay maximum na 3 million yen.  Ang director ng immigration center o ang nangangasiwa na immigration inspector ang magdedecision ng halaga ng guarantee deposit, bibigyan ng attention ang financial resources (yaman) ng guarantor at isangalangalang kung ang guarantor deposit ba na yon ay malaki na para kusang bumisita sa immigration office ang detainee.

Tanong: Nais lumabas sa spatial boundary designated sa provisional release.  Sa ganitong kaso, ano ang dapat gawin?
Sagot: Kung nais lumabas sa spatial boundary na nakasaad sa provisional release, kailangan muna mag-apply ng pansamantalang travel permit, na ipinagkakaloob ng tagapangasiwang immigration inspector at ng local immigration office sa iyong lugar.  Kapag mag-file ng application, kailangan mag-submit ng pansamantalang travel application form kasama ang sign ng guarantor, at  dokumento na malinaw na nagsasaad ng dahilan, pangnangailangan at hangganan ng paglalakbay.  Sa karagdagan inpormasyon, sumanguni lamang sa regional immigration in charge sa iyong lugar.

Tanong: Pwede bang magtrabajo sa panahon ng provisional release?
Sagot: Kung ang deportation order ay ibinigay sa isang banyaga, ang banyagang yon ay hindi na maaring manatili sa Japan at made-deport na.  Sa ganitong kaso, sisiguraduhin na makulong sa immigration camp o sa detention center ng regional immigration bureau para maiwasan na gumawa ng kahit anong man aktibidad sa Japan. Hindi pwedeng magtrabajo dahil ang departation order sa dayuhan na yon ay epektibo.

Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Kaugalian sa Japan kapag dadalo ng Kasal

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa