Lumayas sa bahay ng asawang Hapon.

"Humiwalay na po ako ng tirahan at lumipat sa kaibigan sa Tokyo. 
Taga Aichiken po ang asawa ko,.
may magagawa po ba ako way para sa visa ko kahit hindi ko sya kasama?
Makakapag-extend po ba ako?
Totoo po ba yong mag babayad ka ng sarili mong tax ..salamat po ng madami."



Kung ang dahilan ng paglayas sa asawang Japanese ay Domestic Violence (DV), maari magtungo sa Shiyakusho kung saan naka-rehistro ang tirahan, upang humingi ng tulong.  Meron silang tinatawag na SHELTER.  Dyan na patitirahin, bibigyan din ng trabajo at iba pang suporta habang inaayos ang kaso ng DV.  Kaya kahit walang dalang pera o damit, walang dapat alalahanin.  
3 klase ang Domestic Violence (DV):  
1) Physical violence tulad ng pagbugbog, pagtulak sa hagdanan,  pag-hagis ng mga bagay na intention makasakit at iba pang gawain pananakit. 
2) Mental/Emotional violence tulad ng pagmumura sa harapan ng ibang tao, pagsisigaw-sigawan, panglalait na pananalita na makakadulot ng pagkasira ng normal na balance ng pag-iisip at damdamin. 
3) Sexual violence, kung saan kinukunan halimbawa ng malalaswang litrato at video na labag sa kalooban o ano pang malaswang eksena na labag sa kalooban.

Pero...
Kung lumayas lang ng walang dahilan ang asawang pilipino sa asawang Japanese:
1) maari i-divorce sa Shiyakusho ng Japanese spouse ng walang pasabi. 
2) maari i-report ng Japanese spouse sa Keisatsu (police) as "Missing".
3) maari  i-report sa Immigration Office, kaya pag nag-extend o renew ng visa ay malalaman agad kung saan nakatira at may posibilidad na ma-detain o ma-imbistigahan ng immigration. Depende sa klase ng report letter na ipinasa ng Japanese spouse. 

Obligation na i-report sa immigration ang kung lumipat ng tirahan para mai-sulat sa Zairyu Card ang pagbabago.

Mahirap siguro makapag-extend ng visa lalo na kung ini-report ng asawang japanese sa immigration na lumayas ng tahanan ang asawang pilipina.  Sira sigurado ang tiwala ng immigration sa pilipinang yon.

Pagdating sa bayad ng Tax, yan ay kung may trabajo.
Kapag nag-rikon, pwede siguro lumipat sa Long Term visa lalo na kung may sariling trabajo at kayang buhayin ang sarili.   Pero importante din ang bilang ng Stay dito sa Japan para mabigyan ng Long Term visa.  

Kapag Spouse visa, ang guarantor ay ang asawang japanese. Kaya importante na magkasama sa isang bubong ang mag-asawa kahit pa may sariling trabajo ang asawang pilipino.

 






Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Kaugalian sa Japan kapag dadalo ng Kasal

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa