Ano ang dapat alamin sa pagkatao ng kasintahan na Japanese?

Kung sa ngayon ay may kasintahang japanese na malalim ang relasyon, mabuti siguro na alamin ang kanyang pagkatao.  Gawin pa-simple sa pagtatanong para hindi ma-irita at hindi masamain. 

 1. Pangalan. 
     Dapat sa wastong sulat kanji. 
 2. Year/Month/Date ng kapanganakan.
 3. Saan ipinanganak o kinalakihan na ciudad.
 4. Saan city naka-register na residente.
 5. Wastong address ng bahay na tinitirahan pati postal code.
     Kung sarili ang bahay, stable.
     Kung apartment, maaring magpalipat-lipat, unstable.
     Kasama ba ang magulang sa bahay o hindi.
 6. Landline phone number sa bahay.  
     Kung may sariling landline sa bahay, stable.
 7. Saan eskuela nag-graduate.
 8. Name ng company na pinagta-trabajuhan.
 9. Driver's license number.
    Sa pamamagitan ng drivers license ID malalaman ang importanteng identification ng japanese. Kunan ng kopya siguro.
10. Kung nakilala ang magulang, tandaan ang pangalan nila pati ang sulat nito sa kanji.
      Pati wastong address at phone sa bahay na yon.

I-memo ang mga ito.  Para kung sakali man pagdating ng araw ay bigla kailanganin nyo syang hanapin ay madali nyo ma-trace ang kinalalagyan. Kung ipapahanap nyo man sa isang detective dito, yan din marahil ang mga itatanong na information.




Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Kaugalian sa Japan kapag dadalo ng Kasal

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa