Psst! Bagong parusa dinagdag ng Japan Immigration Bureau
Hi, share ko lang ang nabasa ko ๐ Simula January 1, 2017 pinatupad ang Amended Immigration Control Act. Noong araw, walang kaparusahan pinapataw ang immigration sa huwad na impormasyon na binibigay o sinusulat ng aplikante sa pagaapply ng residence visa. Mula ngayon, sakop na ng mahigpitan imbistigasyon ang mga impormasyon na ibibigay at isusulat sa pag-aapply ng residence visa. Ang agency, abogado, administrative scrivener, opisyal ng paaralan at iba pang tumulong sa pagproseso ng residence visa application tulad ng working visa, student visa, spouse visa, permanent residence ay lilitisin at papatungan ng parusa kapag nakita na may kasinungalingan ang mga impormasyon na ipinasa, ayon sa Amended Immigration Act Law. Ang batas na ito ang ikalawang pinakamalaking pagbabago sa Bansang Japan. Layunin ng Bagong Immigration Control Act: 1. Mapalaganap ang strategy: "Japan, Pinakaligtas na Bansa sa Buong Daigdig". 2. Hulihin ang mga sangkot sa peke na kasal. 3