SHOGAISHA (disabled), pwede din mag-apply ang dayuhan residente sa Japan

SHOGAI(disability), tinutukoy ay ang kapansanan sa katawan na sumasagabal sa pang-araw-araw na pamumuhay.

3 uri ng Shogai:
1. Shintai shogai (physical disability)
    Isang bahagi ng katawan ay hindi makagalaw ng normal, nakakasagabal sa pang-araw araw na pamumuhay ayon sa welfare system

          5 klase ng kapansanan sakop ng Shintai Shogai:
           a) Shikaku shogai , diperensya sa paningin. (visual impairment) 
           b) Choukaku/ Heikou Kinou shogai, diperensya sa pandinig
                    o pagbalanse ng katawan.(hearing/equilibrium functional disorder)  
           c) Onsei/ Gengou/ Soushaku Kinou Shogai,
                   diperensya sa pagsasalita/ diperensya sa pagwika/ diperensya sa pag nguya;
                    (sound, language, chewing funtional disorder)
           d) Shitaifuju,  baldado, pilantod, lumpo (crippled)
           e) Naizou Kinou nado no shikkan naibu,
                  sakit sa pangloob na parte ng katawan tulad ng puso, bituka at iba pa
                 (internal organs disorder due to diseases)
2. Chiteki shogai (mental retardation/disorder)
    Mabagal na takbo ng pagiisip kaysa sa pamantayan intelekwal tulad ng pagbasa, pagsulat, pagkuwenta na ginagamit sa pangaraw-araw na kabuhayan.  Ang dementia ay hindi kabilang sa "mental disability".

 3. Seishinteki shogai (mental disability)
     Kapansanan sa function ng utak (mental, spiritual and moral) o sa puso sanhi ng pagbabara ng tissues na nagdudulot ng limitation ng sa pagkilos ng katawan na nakakahadlang sa pangaraw-araw na pamumuhay. Sakop ng seishinteki shogai: 
  • Tōgō shitchō-shō (Schizophrenia) and Souutsubyou (manic-depressive psychosis)
  • Utsubyō (melancholia/depression)
  • Shinkeishou (Nervous disorder, neurosis )
  • Pannikku shougai (Panic disorder)
  • Tekiō shōgai (Maladjustment disorder) 
  • at iba't-iba pang sakit ayon sa mental health welfare   
Karagdagan abnormality sa utak :
  • Zuimakuen (meningitis)
  • Naibunbitsushitsukan (endocrine disease)
  • at iba sanhi ng sakit sa katawan
SHOGAISHA, tinutukoy ay tao na may kapansanan sa katawan.
3 uri ng shogaisha:
1. Shintai shogaisha(mayroon physical disability),
                  tao na may kapansanan sa isang bahagi ng katawan.
2. Chiteki shogaisha(mayroon mental retardation/disorder),
                  tao na may mabagal ang takbo ng pagiisip
3. Seishinteki shogaisha(mayroon mental disability),
                  tao na may deperensya ang takbo ng pagiisip

SHOGAISHA TECHO (handicapped person's booklet)
     Ang mga may kapansanan ay binibigyan ng handicapped booklet kapag pumasa sa batayan na itinaguyod ng Japan welfare. Maaring mag tanong at mag-apply sa municipality na tinitirahan.

Patakaran para maka-apply ng Shogaisha techo ang dayuhan naninirahan sa Japan:
1. Zairyu Shikaku - mayroon valid residence visa sa Japan
2. Residence Card - nakarehistro ang pagtira ng dayuhan sa Japan
3. Nihon ni seikatsu no chuten - ang pamumuhay/pagtira ay naka-base sa Japan

3 klase ng Shogaisha Techo:
1. Shintai Shogaisha Techo- kailangan ang medical certificate galing sa doctor dito sa Japan at dalhin sa municpal na tinitirahan para mag-apply at mabigyan ng Shintai Shogaisha Techo.  Kapag meron Shintai Shogaisha booklet, maraming benefit ang makukuha. 

2. Riyuiku Techo (nursing booklet) - para sa mga bata na na-diagnose sa Child Consultation Center na meron chitekishogai ay maaring mag-apply ng Riyuiku Techo sa municipality na tinitirahan. Kapag meron hawak na Riyuiku Techo, maraming benefit ang makukuha.

3. Seishin Shogaisha Houken Fukushi Techo (mental patient health welfare booklet) - dahil sa matagal na panahon na may kapansanan mental na nakakasagabal sa normal na pamumuhay o pamumuhay sa lipunan, maaring mabigyan ng Seishin Shogaisha Houken Fukushi Techo.  Kapag meron hawak na Seishin Shogaisha Houken Fukushi Techo, maraming benefit ang makukuha.
  *Magtungo lamang sa munispyo na tinitirahan para sa detalye ukol sa shogaisha techo (disability booklet).

LEVEL ng Kapansanan:
1. Shintai Shogai :  Shitaifujiyu (invalid, crippled),  mula Level 1 ~ 7
                                  Level 1 = pinakamalala (severly handicapped person)

                            : Shikaku shogai, Choukaku/ Heikou Kinou shogai,
                                    Onsei/ Gengou/ Soushaku Kinou Shogai,  mula Level 1 ~ 6

                            : Naizou Kinou nado, mula level 1 ~ 4

2. Seishin Shogai :   Level 1 ~ 4 = pinakamalala 

3. Chiteki Shogai : classified by alphabet
                                 Letter A = pinakamalala
                                 Letter B = moderate
                                 Letter C = slight


DISABILITY BENEFIT: NENKIN
1. 障害基礎年金 Shogai Kizo Nenkin - handicapped national pension,
          para sa mga hindi miembro ng Kozei Nenkin (Welfare Pension/insurance).
          Matatanggap na benefit sa isang taon:
                 Level 2 :  79万1000円
                 Level 1:   98万8750円
         (平成20年度の実績, as of fiscal year report Heisei 20 nen)
          http://www.atarimae.jp/oshiete/2009/05/post-7.html
            
2. 障害厚生年金 Shogai Kouzei Nenkin -  para sa mga miembro ng Kozei Nenkin
                                                                          (Welfare Pension/insurance). 


DISABILITY SUPPORT BENEFIT MULA SA MUNICIPALITY:   
1.  障害者手当 Shogaisha Teate
2.  障害児福祉手当 Shogaiji Fukushi Teate - para sa mga bata na may disability   

**Para makatanggap ng mga benefit kailangan mayroon Shogai Techo.

Iba pang kapakinabanggan ng Shogaisha Techo:
1. bababa ang bayad sa medical
2. bababa ang income tax (shutokuzei)
3. bababa ang residence tax (juminzei)
4. bababa ang automobile tax (jidoushazei)
5. bababa ang automobile acquisition tax (jidousha shutokuzei, tax pag bumili ng sasakyan)
6. bababa ang inheritance tax (sozoukuzei)
7. bababa ang gift/donation tax (zouyozei)
8. bababa ang portion ng business tax (jikyouzei)
9. bababa ang bayad sa NHK
10. bababa ang bayad sa postal service
11. discount sa services ng private businesses tulad ng:
        * Ketai denwa/cellphone company;
        * Tren at bus;
        *  Eroplano
        *  Barko
        *  Taxi, etc.

Financing support sa Shogaisha:
1. Fukushikiki - halimbawa ng wheel chairs, hearing aids
2. Jidousha kounyu hiyou - papahiram ng pera para pambili ng sasakyan
3. Piority list na maka-upa sa public housing ng gobierno
4. Financial support para sa reform/renovation ng bahay

Depende sa level ng Shogai (disability), meron din pwede magtrabajo kahit may disability upang maging parte ng lipunan.  Ang Hellowork ay mayroon 障害者雇用促進法 Shogaisha Koyou Zukushin Hou (Handicapped Person's Employment Promotion Law) para ihanap ng matatrabajuhan ang may disability.


Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal