Divorce na mutual consent o mutual agreement, KYOUGI RIKON (協議離婚、きょうぎりこん)

Halimbawa: Japanese na lalaki at Pilipina, Kyougi Rikon sa Japan.

Mga gagawin at kailangan dokumento:

1. RIKON TODOKE (divorce paper),
    i-submit sa city hall na tinitirahan dito sa japan,
    (ito ay aprobado lamang sa japan side).

2. <>KOSEKITOHON (Family Register), yong aprubado na ang divorce na nangyari.
    <>RIKON TODOKE KIZAI JIKOU SHOMEISHO,
                      (Certificate of Items Stated in Divorce Paper)
    <>NIHON MINPOU GAITOU NO JOUBUN BUNSHO,
                      (Applicable text document of the Japanese Civil Law)

3. TRANSLATION,  ipa-translate sa wikang english ang nabanggit na 3 papeles sa #2.

4. CERTIFICATION at NOTARIZATION.  magtungo sa Ministry of Foreign Affairs ng Japan at humingi ng certification at ipa-notarize ang mga papeles para magamit sa pilipinas.

5. RED RIBBON, i-submit sa Philippine Embassy o Consulate ang mga papeles para ma-red ribbon.

6. ANNULMENT.  mag-sampa ng annulment sa Trial Court sa Pilipinas para mapawalan ng kabuluhan at mabura ang kasal na nangyari.  Matagal ang labas ng Decision ng annulment sa pilipinas.





Comments

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal