Filipino, refugee sa Japan?

Bakit may mga Filipino na nag-aapply ng refugee sa Japan?

Nabasa ko sa isang forum na may mga filipino na nag-aapply ng refugee status sa Japan? At sa ibang babasahin na nabasa ko tungkol sa refugee application dito sa Japan, filipino daw ang pinaka-marami na aplikante, No1! 

Bakit kaya? Dahil ba hindi sila makabalik ng Pilipinas? O dahil nagustuhan nila sa Japan at gusto na dito manirahan ng lubos? 

Hindi naman pwede magtrabajo ang refugee di ba? 
Pwera na lang kung mabigyan ng residence visa to stay ng Ministry of Justice ng Japan. 

Ang Refugee status ay pahintulot mula sa immigration bureau na pansamantalang manatili ng Japan habang hihintay ang resulta ng Refugee Recognition Application na sunubmit ng aplikante.

Kapag na-aprubahan ang application at na-recognized na refugee talaga, saka pa lang bibigyan ng Refugee Travel document, Long Term visa at Residence  Card. 

Pero pag hindi na-aprubahan ang application, "Disapproval Notice" ang matatanggap ng aplikante. Kapag ayos na sa aplikante ang resulta ng "disapproval notice", pwede na maglakbay ng mapayapa papauwi ng pilipinas. 

Ngunit kung hindi kuntento sa resulta at gusto pang humirit ulit, pwede naman mag-request ng panibagong pagsusulit. Ang masama lang, kapag na-deny ulit, ang siguradong husga ay sapilitan na DEPORTATION pauwi ng bansa. At kapag deportation order ang nangyari, malaki ang posibilidad na ma-BAN ang pangalan sa pagpasok muli ng Japan mula 5 taon o higit pa. 

Kahit nakapag-submit na ng Refugee Recognition Application sa immigration, hindi ibig sabihin na pwede nang magtrabajo. Huwag po. Magtanong po muna ng mabuti sa officer kung pwede ba magtrabajo o hindi bago gumawa ng sariling decision. Yong mga pinapayagan lang mag-trabajo (may limit) ay yong malaki ang chance na ma-recognize bilang refugee.

Ang bilang ng mga nag-apply ng refugee sa taon 2017 ay humigit kumulang sa 19,628 ka-tao mula 82 bansa, ang bilang ng filipino applicant ay 4,895 ka-tao.

Ang na-recongnized na refugee noong nakaraan taon ay 20 ka-tao, kabilang ang 5 egyptian, 5 syrian, 2 afgan. 

Para sa atin mga filipino na mabigyan ng "refugee recognition" dito sa Japan ay tila mahirap dahil wala naman gera sa pilipinas. Ang mga bansa na may matinding gera gawa ng  Politika, Relihiyon, Lahi ang pinaka-prioridad ng Refugee Act. Hindi maaring idahilan ang overstaying sa japan, paghiwalay sa asawang japanese, pagka-retretch sa kumpanyang pinagtatrabajuhan, banta ng kaaway at iba pang gulo ng personal na buhay. 

Pagpalaain po nawa tayo. 



Comments


  1. 250/5000
    Ang astrolohiya mao ang labing maayong butang alang sa kinabuhi. Kini mao ang yawe sa tanang matang sa mga problema sa kinabuhi. Kon adunay bisan kinsa nga tawo nga adunay mga problema sa kinabuhi unya siya kinahanglan nga makigtagbo uban sa labing maayo nga astrolohiya nga espesyalista sa City nga nakig-kontak sa Templeofanswer@hotmail.co. uk / + 234 (815) 542-5481

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Gaano karaming tao sa mundo ang marunong ng wikang Filipino?

Ilang kasabihan ng Hapones tungkol sa mag-asawa

Nagpakasal habang hindi pa annul ang naunang Kasal